Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Rei Tan BeauteDerm
Sylvia Sanchez Rei Tan BeauteDerm

Sylvia Sanchez, lucky charm ng BeauteDerm!

PATULOY ang pagdating ng blessings sa premyadong aktres na si Sylvia Sanchez. Kamakailan ay nagwagi na naman ng award ang tele­seryeng pinagbidahan ni Ms. Sylvia, ang The Greatest Love.

Nakamit ng Kapamilya TV series ang naturang parangal mula sa Asian Academy Awards bilang Best Drama Series.

Bukod sa maraming award at parangal ang nakamit ni Ms. Sylvia sa The Greatest Love, ang serye ring ito ang maitu­turing na turning point sa ilang dekadang showbiz career ng premyadong aktres. Dito kasi nagsimula ang lalong pagya­bong ng kanyang career, na mula sa pagiging supporting status ay nagbida siya at nagtuloy-tuloy na ang pagha­taw sa mga sumunod pa ni­yang projects, sa TV man o pelikula.

Nang usisain namin si Ms. Sylvia sa kung ano ang masa­sabi niya sa bagong award na nasungkit ng seryeng kanyang pinagbidahan, “Masaya at excited,” matipid na sagot ng pambatong BeauteDerm ambassadress.

Speaking of BeauteDerm, naalala rin namin ang pahayag ng CEO at president nito na si Ms. Rei Tan na si Ms. Sylvia ang lucky charm ng Beaute­Derm noong kasagsagan ng serye niyang The Greatest Love.

“Noong si ate Sylvia na ang endorser namin, mas nakilala na nang husto sa mainstream ang BeauteDerm. Nadagdagan ang market kasi sa showbiz, before ay kaunti pa lang ang market ko. That time rin po, si ate Shyr (Valdez) talaga ang kaibigan ko, sabi niya na si ate Sylvia raw ang kunin ko kasi kainitan ng The Greatest Love, so right timing na kunin siya kasi natural beauty din talaga si ate Sylvia.

“Hanggang sa nagkasu­nod-su­nod na ang pag­sulpot ng 41 physical stores. Malakas po sa online, mayroon din sa Lazada, Shopee. Kapag i-check n’yo po sa online ang Beaute­derm, lahat po ‘yan ako ang distributor. Lahat po ng nag-physical stores ay nag-online (sellers) muna. I trained them to become business­woman.

“Kaya ma­sasabi ko tala­gang lucky charm ng Beaute­Derm si ate Sylvia,” ma­sa­­yang saad ni Ms. Rei.

Anyway, sa ngayon ay abala ang mother nina Arjo Atayde at Ria Atayde sa Cebu para sa shooting ng pelikulang When Sadness Lingers kasama ang isa pang mahusay na actor na si Nonie Buen­camino.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Mader Sitang ng Thailand, gustong manirahan na sa Filipinas

Mader Sitang ng Thailand, gustong manirahan na sa Filipinas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …