MABUTI na lang binigyan na ng project ni Vic Sotto ang kanilang discovery sa Eat Bulaga, si Maine Mendoza via Daddy’s Gurl.
Matagal na kasing hinahanap ng fans si Maine sa ganitong klase ng panoorin. Puro na lang kasi mamahaling lipstick ang promo ni Maine na roon na lang siya nakikita.
Hindi papayag si Vic na mabantilawan ang kanilang artista lalo’t kung tagurian ay isag millennial superstar. Paano matatawag ng ganito kung wala namang show.
Contract artist ng Kapuso si Alden Richards kaya hindi nila pinababayaan kesehodang bigyan pa ito ng maaksiyong serye.
Well, nagsosolo na ngayon si Maine sa Daddy’s Gurl without Alden. Patutunayang kahit walang Alden aarangkada pa rin ang career ni Maine.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales