MARIING pinabulaanan ni Andi Eigenmann na kinalimutan na niya ang showbiz at mas gusto na lamang manatili sa Siargao.
Anang dalaga, nawiwili siya sa Siargao dahil sa kanyang negosyo. Nakapagpatayo na rin siya roon ng bahay.
Aniya, sa Siargao muna siya mananatili hangga’t wala siyang proyekto, mapa-TV o pelikula.
Dagdag pa ng dalaga na ang huling pelikulang ginawa niya ay ang Camp Sawi at ang latest nga ay ang All Souls Night ng Viva Films at Aliud Entertainment na mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa Oct. 31.
Makakasama niya rito sina Yayo Aguila, Allan Paule, at Lhian Gimeno at mula sa mahusay na direksiyon nina Aloy Adlawan at Jules Katanyag.
MATABIL
ni John Fontanilla