Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alexa Ilacad Nash Aguas NLex
Alexa Ilacad Nash Aguas NLex

Nash, klinaro, tampuhan nila ni Alexa; Ilang beses sinuyo

MATAGAL naging magkatrabaho sina Nash Aguas at Alexa Ilacad. Huling pagsasama nila ang TV series na The Good Son ng ABS-CBN. Balitang nagkaroon ng gap ang dalawa kaya naman agad naming kinunan ng komento ang aktor nang makausap ito sa intimate presscon ng Class of 2018 handog ng T-Rex Entertainment kasama si Sharlene San Pedro na mapapanood na sa November 7.

Ayon sa aktor nang kumustahin namin siya ukol sa loveteam nila ni Alexa, ”hindi ko na po matandaan, sobrang tagal na niyon,” unang sagot nito sa amin.

Nang tanungin namin kung in-touch pa rin silang dalawa, sinabi nitong, ”Opo, actually nag-mall-show kami sa BUM, kasi magkasama kami roon. Last month lang ‘yun tapos may mall show kami next week at may photo shoot pa kami three weeks ago at okey naman kami.

“Okey naman ang sinabi niya na ‘we grew up and we grew apart.’ Matagal na ‘yon eh, 2016 so, hindi ko alam eh. Ilang beses na rin namang napag-usapan na rin namin.”

So ano ‘yung balitang may gap o tampuhan? ”Siyempre ako naman that time, special pa rin sa kung anong mayroon sa kanya. Ayoko kasing may bad blood. As much as possible nga parang tatlong beses kong tin-ry na ayusin. Kumbaga, pero may times talaga na hindi na kaya.”

Aminado naman si Nash na nagkaroon sila ng medyo hindi pagkaka-unawaan ni Alexa. ”Natural naman na may tampuhan pero after niyon, minake-sure ko na before kaming mag-part ways maging ayos kami. Nag-usap kami.

“Kaya ngayon, okey na kami, nakaka-mall show na kami ng sabay. Kahit before pa ng interviews namin, nag-usap na kami. Nag-react lang siguro ang tao before sa term na ‘hindi niya tatawagin na friends kasi ang friends ay someone na ganyan-ganyan.’

“Nag-uusap kami, hindi kami nag-uusap ng constant pero kapag pinagsama n’yo kami, ayos kami. Hindi na nga lang kagaya ng dati na laging magkasama. Pero okey kami.”

Ukol naman sa kanila ni Sharlene, iba ang friendship nila ng unang ka-loveteam niya way back pa sa Goin’ Bulilit at kasama niya sa pelikulang Class of 2018 na idinirehe ni Charliebebs ‘Beb’s Gohetia.

“Iba talaga kasi kami, hindi kami laging nag-uusap niyan, kahit hindi kami laging nagte-text. Pero noong time na nangyari ‘yung nagkaka-problema kami ni Alexa, ang naaalala ko alam niya ‘yun kasi tine-text ko siya eh. Kaya alam niya na matagal na rin ‘yung nagkaroon kami ng problema ni Alexa. Nagte-taping kami ng The Cure na telesine.

“Si Sharlene ang tipo ng kaibigan na kahit matagal mo nang kausap eh, okey na okey,” paliwanag pa ni Nash na napag-alaman naming ang nililigawan pala ngayon ay si Mica dela Cruz, nakababatang kapatid ni Angelika dela Cruz.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Sharlene, dream maging action star; insecure sa katawan
Sharlene, dream maging action star; insecure sa katawan
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …