HINIKAYAT ng militar nitong Miyerkoles, ang mga kandidato sa na tanggihan ang demands ng rebeldeng komunista para huwag silang gulohin sa nalalapit na campaign period.
“Dapat manindigan po talaga tayo na hindi tayo magbigay kasi ‘pag nagbigay po tayo, talagang pambili ng armas. Ang kanila pong pagpapalakas ang kanilang gagawin,” ayon kay military chief-of staff, Lt. Gen. Carlito Galvez.
Aniya, ang mga kandidato ay maaari aniyang mag-apply para sa security detail.
Hinigpitan ng pulisya at militar ang seguridad sa conflict areas, dagdag ni Galvez.