Saturday , December 21 2024

SAP maraming mabo-Bong Go sa Senado (Panalong tiyak)

SWAK na naman ang kasabihan — sa hinaba-haba raw ng ‘prusisyon’ sa kumolek ‘este Comelec din tumuloy.

‘Yan ang nangyari kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go. Kahit ilang beses niyang sinabi na hindi siya tatakbo sa Senado, hayan, natuloy rin ang kanyang pagtakbo.

At sa lahat ng naghain ng certificate of candidacy (COC), siya lang ang personal na sinamahan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Mukhang kauna-unahan ‘yan sa kasaysayan.

Marami ang nagsasabi na tiyak na ang panalo ni SAP Bong Go. Lalo na nga’t inendoso siya ni Pangulong Digong.

Ang kailangan na lang niya ay ‘yung swak na plataporma at programa para sa sambayanang Filipino.

Nitong mga nakaraang araw, madalas niyang naba­banggit ang Malasakit Center. Kung hindi tayo nagkakamali, isa itong programa na sinusuportahan ni Pangulong Digong para mapabilis ang daloy ng tulong medikal sa mga kababayan nating kapos para tugunan ang mga panga­ngailangang gaya nito.

Sa Philippine General Hospital (PGH) ay nakapaglaan na ng P100 milyon si SAP Bong Go sa ilalim ng Office of the President. Ganoon din umano sa malalayong probinsiya.

Ang Malasakit Center ay pinopondohan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), Department of Health (DOH), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sana’y ‘yan ang tutukan ni SAP Bong Go at huwag na siyang makisabay sa mga estilong trapong-trapo (as in traditional politics).

Sabi nga nila, matibay na matibay ang kandidatura ni SAP kaya tiyak na marami siyang ‘mabo-Bong Go’ sa Senado.

Abang-abangan po natin mga kababayan… sino kaya ang mabo-Bong Go pa sa mga kandi­datong senador!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap


May Martial law na ba sa MIAA/NAIA?
May Martial law na ba sa MIAA/NAIA?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *