Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Aga Muhlach
Bea Alonzo Aga Muhlach

Bea Alonzo ‘di makapaniwalang makatatambal si Aga sa “First Love”

FEELING pala ni Bea Alonzo ay hindi na mangyayari ang inaasam na makasama si Aga Muhlach sa isang pelikula. Pero nagkamali ang magandang Kapamilya actress dahil habang nasa kotse siya ay nakatanggap siya ng text message mula kay Aga at shock sa nabasang mensahe ng sikat na actor na gusto siyang tawagan nito para sa ialok ang magandang project.

“Akala ko hindi na ako magkakaroon ng chance kasi nakatrabaho na siya ng ibang mga babae sa generation ko. Sina Angelica (Panganiban), Angel (Locsin), Anne (Curtis). Akala ko hindi na siya mangyayari until siguro ngayon ang perfect time,” sey pa ni Bea sa kanilang grand presscon.

At laking gulat raw talaga niya na si Aga pa mismo ang mag-aalok sa kaniya ng First Love.

“I have a project for us. Can I call you? Sabi ko sa driver ko, ‘Sandali, sandali tumigil ka. Tatawag si Aga Muhlach!’ Oo, talagang sinagot ko tapos sinubukan kong ikalma ang sarili ko,” masayang kuwento ng actress.

Bilang first time na nagkatrabaho ay aminado si Bea na talagang kinabahan siya sa eksena nila ng mahusay na aktor. “Naalala ko ito na ‘yung eksena namin nagko-cross kami sa street, kaeksena ko si Aga Muhlach. ‘Yon ang pumako sa isip ko, hindi ako si Ady. Oh my God! Nagpi-freakout ako, si Aga Muhlach ang kaeksena ko,” masayang pagbabahagi ng dalaga.

Para naman kay Aga ay nakaa-amazed daw katrabaho si Bea, at aware din ang beteranong aktor na mahusay siyang aktres. Maraming eksena sa movie na kinunan sa Vancouver, Canada at parte rin ng cast sina Sandy Andolong, Albie Casino atbp.

Samantala SRO ang buong sinehan sa red carpet premiere ng First Love sa SM Megamall Cinema na dinalohan nang halos buong cast at ni Direk Paul Soriano (director ng movie) and wife Toni Gonzaga.

Showing na ng First Love in cinemas nationwide.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma


Dovie San Andres pinasasaya ng indie actor-dancer na si Ian Monteverde
Dovie San Andres pinasasaya ng indie actor-dancer na si Ian Monteverde
“Boomga Ka Day” na si Maine Mendoza super galante sa bagong intense game sa tanghali na “BOOM”
“Boomga Ka Day” na si Maine Mendoza super galante sa bagong intense game sa tanghali na “BOOM”
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …