NAPAPANOOD ngayon si Tonton Gutierrez sa Kapuso TV series na Ika-5 Utos na tinatampukan din nina Jean Garcia, Valerie Concepcion at Gelli de Belen. Masaya siya sa kanyang bagong serye sa Siyete.
“Maganda ang ratings, maganda ang pagtanggap ng mga tao. We’re all excited about this project dahil napakaganda ng istorya. Kung talagang matututukan lang from the very beginning, napakaganda ng istorya kasi very consistent.
“Ang role ko rito, rati kaming schoolmates ni Jean, ni Gelli at saka ni Valerie, tapos during college days namin may gusto ako kay Jean, although hindi kami nagkatuluyan, nagkaroon lang kami ng mutual understanding.
“Tapos hindi na ipinakita kung paano… naging asawa ko si Valerie. Ang backstory kasi niya, si Valerie eversince nasa eskuwelahan pa kami noon, lagi siyang may inggit kay Jean dahil si Jean simpleng babae, maganda, ‘di ba? So nagugustuhan siya ng mga lalaki,” mahabang kuwento ng actor.
Nabanggit din niyang happy siya sa bagong endorsement. “I’m really happy and proud to be a part of the BeauteDerm family. Kasi, naniniwala ako sa produkto, mahirap kasing mag-endorse ng isang bagay na hindi ka naman sigurado, iyong hindi proven. Iyong para bang deceiving o mapanlinlang, pero iba ang BeauteDerm, e.
“Si Glydel kasi ang unang nag-endorse ng BeauteDerm, kaya binibigyan siya ng mga product. At ginamit ko ‘yung facial wash, and ang laki talaga ng pagbabago.
“Ako naman, hindi ako mahilig magpunta ng derma, hindi malanding tao, kumbaga. Dati kasi naggo-golf ako, I’m practically under the sun while I’m playing. Kaya mayroon akong parang mga blemishes, mga itim na pekas. So nang ginamit ko ang BeauteDerm, twice a day, sa umaga and sa gabi bago matulog, effective talaga siya. Ang laki ng pagbabago, kaya sabi ko kay Gyldel okay itong product.”
Nabanggit pa ni Tonton na bago niya lang nakilala ang lady boss ng Beuatederm na si Ms. Rei Tan, pero aminado siyang bilib sa masipag na businesswoman. Aniya, “I’ve been hearing good things about Rei kay Glydel at totoo naman pala, napakabait. ‘Yung dalawa, ‘yung mag-asawa, si Sam tsaka Rei, they’re very nice, they’re very supportive, ano sila, very hardworking.
“Kumbaga puwede mo silang maging role model sa mga entrepreneurs na gustong mag-business. Sila, sipag at tiyaga ang ginawa nila talaga, kaya ang laki na ng kompanya nila. May 41 branches na agad, e,” nakangiting saad ni Tonton.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio