SA 20 taon niya sa industriya ay hindi lang matagumpay sa karera niya sa showbiz si Piolo Pascual, successful rin si Piolo sa pagiging ambassador ng Sun Life Financial Philippines at isang dekada o 10 years na ang partnership ng actor at ng popular na insurance company sa bansa.
Ngayong taon ay ipinagdiriwang rin ang 10th anniversary ng SunPiology, ang annual fund-raising charity event na nagsimula noong 2008. At bahagi ng selebrasyon sa taong ito ay tatlong events ang magaganap na tinawag na “SunPIOLOgy TRIO,” ang first event na Bike with SUN LIFE CYCLE PH sa lalong lumalaking interes sa biking na may health benefits.
Muling dadalhin ng SUN LIFE CYCLE PH ang riders around four cities (Taguig, Makati, Manila, and Pasay) na akma sa beginner and seasoned bikers. Organized by Sunrise Events, SUN LIFE CYCLE PH categories kabilang ang Family Ride (30mins dur.); Tricycle Ride (100m and 500m); Short Ride (20km); and Long Ride (40km). Ang Celebrity cycling enthusiasts tulad ng Sun Life ambassadors Matteo Guidicelli and Piolo Pascual ang manguguna sa race.
Sa mga interesado ay mag register sa www.sunlife.cycleph.com. Ito ay gaganapin sa Bonifacio Global City sa November 17. Sino kaya ang tatanghaling Top 3 Male and Female run winners? Susundan ito ng Sun Life Resolution Run at Sun vs Stars (with Star Magic talents) na sabay gaganapin na gaganapin sa January 26, 2019 sa Camp Aguinaldo. Ang nasabing trio events ay upang makalikom ng pondo para sa education, diabetes awareness at makatulong sa mga Filipino na mamuhay nang malusog.
Magaganap rin sa ilang bansa sa Asya ang Sun Life Resolution Run tulad sa Malaysia (January 13, 2019), Indonesia (January 20, 2019), Hong Kong at Vietnam na sabay sa January 27, 2019. Siyempre bilang ambassador ng Sun Life Philippines ay masaya si Piolo sa layo nang narating ng proyekto nilang ito at thankful siya sa said company.
“Kasi, it’s not something you asked for – to be partners with a brand na talagang who believes in the same cause, it’s definitely blessing for me.”
Dagdag ng aktor, “Since they believe in my advocacy, mas nagkakaroon ako ng lakas ng loob to help more people and use my platform, to be able to use my influence and just share whatever you have.”
In fairness ‘yung mga pinag-aral nila since 2008 ay naka-graduate na kaya very fullfilling ito for Piolo and the people behind the Sun Life.
“Marami na, marami pong nag-transition . We still acquire more students year through the scholarship and through foundation. Of course it’s not to see one school, different communities also, different cities. We’re able to add more students and more scholar,” pahabol ni Papa P na kinilala kamakailan bilang Asia Star Awardee sa Marie Claire Asia Star Awards for 2018 sa Busan, South Korea.
Isa si Piolo sa mga Pinoy celebrities na dumayo sa 2018 Busan International Film Festival bilang kinatawan ng Filipinas. At isa ang pelikula nila ni Congw. Vilma Santos na “Dekada 70” sa mga ipinalabas dito kasama ang ilan pang local classic movies.
Bukod sa pagkilala na tinanggap ng aktor, isang pagkilalala rin ang tinanggap ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa panunguna ni FDCP chairperson Liza Dino.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma