Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Sharon Cuneta

Sharon, nabiktima rin ng taong pinagkatiwalaan

TOTOO nga ang kasabihang “Misery loves company.” At pinatotohanan ito ni Sharon Cuneta na labis ding nalulungkot para kay Kris Aquino na ninakawan, dahilan para bumagsak ang katawan nito sa pagkakasakit at sobrang stressed.

Ani Sharon sa kanyang social media post, maging siya’y nabiktima rin ng taong pinagkatiwalaan niya noon. Kaya ang panalangin nga niya sa kung sinuman ang nangwalanghiya kay Kris, sana’y parusahan ito ng nasa Itaas.

Tanong lang.

Ang alam namin, base na rin sa social media post ni Sharon (this was in 2017 sa aming pagkakatanda) ay naibahagi niya ang tungkol sa private nurse ng noo’y maysakit niyang ina na si Mommy Elaine.

Pera at alahas umano ang tinangay nito based on Sharon’s version of the story. Unlike ang mga karaniwang nabibiktima ng qualified theft, mukhang hindi na ito nai-report ni Sharon sa mga kinauukulan.

Bagama’t malabo na rin sigurong mabawi ang mga bagay na nakulimbat o ninakaw ng salarin, ang mahalaga roo’y napag-iingat ang mga posibleng makasalamuha nito in the future tulad ng posibleng maging employer nila.

Maging si Jinkee Pacquiao rin ay hindi nakaligtas. Isang trusted na kasamabahay ang nambiktima sa kanya.

Lesson: Don’t be too trusting.

(RONNIE CARRASCO III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …