Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Social Media Artist and Celebrities SMAC
Social Media Artist and Celebrities SMAC

SMAC Television Production, nasa TV na

NAKATUTUWANG matapos mamayani ng Social Media Artist and Celebrities o SMAC sa online network sa loob ng limang taon, ngayo’y nasa mainstream media na sila. Ibig sabihin, ipalalabas na o mapapanood na sa TV ang mga pinaghirapan nilang serye o panoorin.

Tatlo sa TV programs ang mapapanood na sa Net 25 tuwing Linggo. Ito ay ang Prodigal Prince, Galing ng Pinoy, at Bee Happy, Go Lucky! simula Oktubre 7.

Sa launching ng tatlong programa na ginawa sa EBC Network, nakatawag pansin sa amin ang Prodigal Prince dahil mala-Koreanovela ang tema nito.

Ang Prodigal Prince ay ukol sa apat na prinsipe, sina Reymund, Alfred, Joey, at Arthur na tumatalakay sa love, leadership, revenge, at forgiveness. Mapapanood ito tuwing 7:00-7:30 p.m. at pinagbibidahan nina VMiguel GonzalesJustin LeeMateo San Juan, at Isaiah Tiglao.

Isang reality game naman na layuning makahanap ng Real Filipino na may traits that embodies the culture and tradition of the Philippines itself ang Galing ng Pinoy. Ito’y mapapanood ng 7:30– 8:00p.m. na ang host ay sina Mateo San Juan at Justin Lee.

Ayon sa director nitong si IJ Fernandez, “Hindi po ito usual reality show na napapanood ngayon. Since galing Pinoy po ay mapapanood halimbawa ang pagalingang manghuli ng baboy na may langis. Hindi po ba mahirap hulihin kapag may langis kasi madulas. Isa lang po ‘yan sa mga ipakikita naming.”

Entertainment show naman na may variety of performances tulad ng kanta, sayaw, comedy, dramatic sketches, at iba pa ang makikita sa Bee happy, Go Lucky tuwing 9:00-10:00 p.m.. Kasama sa show na ito ang cute na cute at nasundan namin ang career, ang magpinsang, Kikay at Mikay na talaga namang hataw sa pagpapakita ng kanilang galing sa sayaw at pagkanta.

Kasama rin dito sina KlintonLeslieRonIrene, JB, Ryantha, IsaiahAngela, VMiguel, at Rish.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …