Saturday , November 2 2024
IPINAKIKITA nina Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan at Customs Commissioner Isidro Lapeña ang tinatayang P15.496 milyon halaga ng illegal substance na nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa bodega ng Central Mail Exchange Center (CMEC) at Federal Express (FedEx) kahapon. (JSY)

P15.5-M ilegal na droga at damo nasabat sa NAIA

UMABOT sa P15.496 milyon halaga ng illegal substance ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa bodega ng Central Mail Exchange Center (CMEC) at Federal Express (FedEx) kahapon.

Ayon kay Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan at Customs Commissioner Isidro Lapeña, ang limang shipment ng metham­phetamine hydrochloride o shabu, party drugs at marijuana ay dumating sa bansa sa magka­ahi­walay na petsa ng Abril, Mayo at Hunyo mula sa Thailand, USA, Rwanda, at Pakistan.

Ito ay nakatago sa foot and calf massager, religious frame, letter, boxing gloves, baseball jersey at mga damit.

Ayon kay Talusan, naka-consign ang mga illegal shipment kina Melinda Dacallos ng Calooocan City; Joseph Manialac ng Angeles City; Logy Ramirez ng Batac, Ilocos Norte; Edward dela Rosa ng Las Piñas City; at Rico Delicano ng Cotabato City.

Napag-alaman na pawang fictitious ang mga pangalang nabang­git, dahil ni isa sa kanila ay hindi nagpunta sa nasabing warehouse para i-claim ito.

Ang 2,21 kilo ng shabu, 48 oil ampules at 12 pirasong maliit na plastic container na may mga lamang cannabis o marijuana at 69,870 tableta ng Valium at Mogadon ay naka-conceal sa limang package na dumating sa CMEC at FedEx warehouses sa magkakahiwalay na petsa.

Ang shabu ay tina­tayang nagkakahalaga ng P14 milyon; ang Valium at Mogadon ay aabot sa P1.496 milyon, habang hindi pa malaman kung ano ang street value ng marijuana.

Ipinasa ng BOC ang kustodiya ng mga droga sa pamamahala ng PDEA. (JSY)

About JSY

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *