Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasmien Kurdi
Yasmien Kurdi

Yasmien, nahirapang magbawas ng timbang

NOONG nakaharap/nakausap namin kamakailan si Yasmien Kurdi sa online show namin nina Rodel Fernando at Mildred Bacud na  Showbiz Pamore kamakailan, napansin namin na pumayat ang aktres, na ayon sa kanya, talagang nagpapayat siya para sa role niya sa GMA 7, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, na tungkol sa HIV awareness.

Sabi ni Yasmien, “Kasi ang nangyari sa ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka,’ parang..kung si Thea (pangalan ng role niya sa serye),magkakasakit, kunwari ang script..eh wala naman tayong  parang.. ‘di ba sa Philippine teleserye, hindi naman siya ‘yung parang gagawin natin mga ahead siya ng a year, tapos naka-canned na siya, na pwede kang mag-prepare, na bigyan ninyo ako ng three months para mag-diet and all. 

“So kilangan kong mag-trim down, para kunwari the next week, may sakit si Thea, kailangang lubog ang mata mo rito, kailangang lubog ‘yung pisngi mo rito, ganoon.

“So ang hirap, kasi magti-taping pa ako, tapos kailangan kong mag-diet. Nakakanginig kasi, like nagpupuyat ka, tapos kailangan mo ngang mag-diet.Minsan sasabihin nila, okey naka-recover na si Thea,wala na siyang sakit. So kailangan ko na namang.. pero ang pinakamadali ‘yung mag-recover,ang pinakamahirap ‘yung mag-loose (ng weight), siyempre, ganoon,” mahabang paliwanag ni Yasmien.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …