Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Para Sa Broken Hearted Yassi Pressman Shy Carlos Louise Delos Reyes Sam Concepcion Marco Gumabao
Para Sa Broken Hearted Yassi Pressman Shy Carlos Louise Delos Reyes Sam Concepcion Marco Gumabao

Mga bida sa Para sa Broken Hearted, may kanya-kanyang hugot

HATID ng Viva Films ang pelikulang hango sa best-selling book ng kilalang Hugot Novelist na si Marcelo Santos III na handa na para antigin ang inyong damdamin sa pagbubukas nito sa mga sinehan sa October 3, ang Para sa Broken Hearted.

Ang PSBH ay pinagbibidahan nina Yassi Pressman bilang si Shalee isang photography enthusiast na masayahin sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng sakit sa puso. Bata pa lang sila ay may gusto na siya kay Alex (Sam Concepcion).

Si Shy Carlos naman ay si Jackie, isang go-getter, laki sa nanay at lola, alam niya na kayang makamit ng babae anuman ang gustuhin niya. Kaya naman ginawa niya ang lahat para mapalapit kay RJ (Marco Gumabao).

Si Sam naman ay si Alex na mahilig rin sa arts, ngunit halimaw ang paborito niyang iguhit. Walang pumapansin sa kanya, maliban kay Shalee na nagpabago ng kanyang pananaw sa buhay.

So Marco (RJ) ay isang varsity player na may matamis na dila, kaya naman maraming nagkakagusto sa kanya. Gayunman, nangako siya kay Jackie na hindi niya ito sasaktan.

Si Louise Delos Reyes si Kath na malakas ang loob at mahilig sa lakaran. Marami siyang hugot , isang senyales na may dinadala siyang kalungkutan. Makikilala niya si Dan sa panahong ginagamot niya ang kanyang pagkasawi sa pag-ibig.

Si Sam ay masarap kausap, kaya kahit ang complete stranger na si Kath ay napalapit sa kanya. Pero may pagka-mysterious din ito dahil hindi ganoon ka-open sa kuwento niya.

Ang Para sa Broken Hearted ay idinirehe ni Digo Ricio at mapapanood sa October 3.

MATABIL
ni John Fontanilla


Andrea, nagka-spine injury sa sobrang pagbubuhat
Andrea, nagka-spine injury sa sobrang pagbubuhat
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …