ANG saya-saya ng ambiance sa Star Cinema office dahil siguro patuloy pa ring kumikita hanggang ngayon ang pelikulang The Hows of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na umabot sa mahigit P600-M na.
May mga bulong-bulungan na magbibigay ng karagdagang bonus sa mga empleado ng Star Cinema.
At mukhang totoo nga ang tsikang nakarating sa amin dahil nag-post ang Publicity Head ng nasabing movie outfit na si Mico del Rosario ng, ”magiging masaya ang Pasko!!!! huhuhu Thank you po LORD!!!”
Well, deserving din naman ng promo team ang bonus dahil sa hirap at pagpupuyat nila para sa mga pelikula nilang ipalalabas.
Full pack ang international screen ng The Hows of Us sa Vietnam at Jakarta, Indonesia.
As of this writing ay kasalukuyang palabas pa rin sa 66 sinehan ang The Hows of Us nationwide at nasa ikalimang linggo na, ibig sabihin mahigit isang buwan na ang pelikula ng KathNiel at malakas pa rin.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan