Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mocha Uson Drew Olivar
Mocha Uson Drew Olivar

Mocha, posibleng may kontribusyon sa bomb joke ni Drew

FOR all Juan de la Cruz knows ay baka isinasangkalan din lang ni PCOO ASec Mocha Uson ang baklang blogger-friend na si Drew Olivar sa lahat ng mga kabulastagang pinagsabwatan nila.

Hindi kasi maiaalis na isipin even by those na hindi nakapag-aral ang tila sisi na ibinubunton lang kay Drew, samantalang as Mocha claims ay wala siyang direktang partisipasyon sa mga ito.

Teorya lang naman namin ito. Mocha can deny it for all we care.

Noong malagay sila sa alanganin kaugnay ng viral video sa pagpapalaganap ng isinusulong na pederalismo, depensa ni Mocha kay dating Senator Nene Pimentel ay hindi naman siya ang sumayaw sa video na hinaluan ng kabastusan.

Pero pinalakpakan ni Mocha si Drew.

Same with the sign language video, depensa ni Mocha ay hindi naman siya ang gumawa nito. Pero ikinaaliw din niya ang ginawa ni Drew.

Ang latest, pinapanagot si Drew sa kanyang bomb scare kaugnay ng paggunita kamakailan sa Martial Law. This time around, hindi co-respondent ni Drew si Mocha, kundi siya lang.

Alam nating lahat kung ano ang mga kaganapan sa idinaos na rally o mass action na dinaluhan ng mga protester lalong-lalo na ang mga desmayado sa Duterte administration.

Hindi sila mga DDS o mga Diehard Duterte Supporters. Hindi mga kakulay ni Mocha, sa madaling salita.

Ang binitiwang bomb joke ni Drew ay sadyang intended para sa mga nag-aaklas sa mga hindi nila kaalyado.

The idea—kung saan man ‘yon napulot ni Drew—ay posibleng naiambag din ni Mocha. We can never tell.

Dahil sipsip si Mocha sa gobyernong pinaglilingkuran niya, maaaring privately ay sumulpot ang bomb joke sa tsikahan nila ni Drew yaman din lang na para silang bumuo ng sindikato na maganda man ang layunin pero sablay naman sa pamamaraan.

Totoong it comes in threes, ayon nga sa ating kapaniwalaan.

Ang bomb joke ni Drew ay ikatlo na sa mga higanteng katsipan na sa halip makatulong sa bansa ay lalo pang dumadagdag sa mga kabuwisitang dulot ng mga linta tulad ni Mocha.

Minsan nang ininsulto sa magkahiwalay na pagkakataon nina Mocha at Drew si VP Leni Robredo. Mukhang nakaligtas sila roon.

Pero tila mahihirapan ang tandem na ito na malusutan ang isa sa tatlo o higit pa sa mga kabalahuraang pinaggagawa nila.

On Drew’s bomb joke, naniniwala kami na kahit katiting na porsiyento’y may kontribusyon din si Mocha roon.

A conspiracy na kailangan ding imbestigahan.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …