SINCE nag-start umere noong January 2018 ay na-maintain talaga ng TV drama series na “Asintado” ang maganda nilang ratings.
Dahil mas lalong dumarami ang viewers ng soap, na pare-parehong nag-aabang kung ano ang mangyayari sa ending ay mas tumaas pa ang ratings ng Asintado.
Sa buwan ng September, base sa datos ng Kantar Media National TV Ratings ay pumalo sa 18.5% ang Metro rating ng show ni Julia; 17.6% sa National; at sa Rural ay nagkamit naman ng 17.9%.
Well, hanggang sa huli ay pinanindigan ni Miranda (Lorna Tolentino) kung ano ang tama at naging kakampi siya ng mag-iinang Hilary (Agot Isidro), Ana (Julia) at Samantha (Shaina Magdayao) para pabagsakin ang nakakulong na si Governor Salvador (Nonie Buencamino).
Pero mukhang ayaw talagang tantanan ni Salvador si Ana at patuloy siya sa kanyang pagmamanman kasabwat ang kapatid ni Miranda na si Natasha (Desiree del Valle). Napakatinik talaga ni Salvador at hindi siya napuruhan ni Miranda na inaasam pa rin niyang muling makakapiling.
Naku, talagang exciting to watch nga ang last two weeks ng Asintado kaya’t huwag bibitaw sa panonood Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Gold.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma