Monday , December 23 2024
Christopher de Leon Piolo Pascual Paranaque City
Christopher de Leon Piolo Pascual Paranaque City

Boyet de Leon & Piolo Pascual sasabak sa politika ng mga taga-Parañaque?

MUKHANG mainit ang labanan ng mga taga-showbiz at mga politiko sa darating na eleksiyon sa Parañaque City…

Alam po ba ninyo kung bakit?

Aba e mainit na pinag-uusapan sa Parañaque na mukhang sasabak umano ang very hot at idol nang maraming si Papa Piolo Pascual laban kay Rep. Eric Olivarez ng District 1 ng Parañaque City.

Habang ang paboritong leading man ng bayan na si Mr. Boyet de Leon ay sasabak daw naman sa District II ng Parañaque kontra kasalukuyang kinatawan na si Cong. Gus Tambunting.

Aba, kung totoo ‘yang nasagap natin sa grapevine ng mga Parañaqueño, malakihan ang labanang ito.

Pero sabi nga, may tibay pang maaasahan ang mga mam­babatas na sina Cong. Eric at Cong. Gus dahil may tig-isa pa silang termino.

Sa isang banda, baka naman sa dami ng fans nina Papa P., at Kuya Boyet ‘e makasilat sila ng panalo!?

Sus mio!

Kung sa karanasan, masasabi nating may track record na si Kuya Boyet dahil naging bokal (Board Member) na siya sa lalawigan ng Batangas.

Si Papa P?

Mukhang bagong salta pa lang siya sa mundo ng politika.

Pero hindi naman mukhang tolonges si Papa P. Kung saka-sakali mang palarin, alam nating mabilis naman niyang maaaral kung ano ang trabaho ng isang mam­babatas lalo’t inire-require silang kumuha ng crash course sa public administration.

Wish lang natin, kung saka-sakali, huwag ‘yung hindi mabuting gawain ang matutuhan nila.

Pero, sa mga hindi kompiramdong impor­masyon na kumakalat sa grapevine, wala umanong kakaba-kaba sina representatives Olivarez and Tambunting, sakali mang pumasok sa politika ng mga Parañaqueño sina Papa P., at kuya Boyet…

Wala silang duda na matibay ang poder nila sa mga distritong kanilang kinakatawan.

For the meantime, abang-abang muna tayo guys!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap


Walang humpay na pagsirit ng presyo ng gasolina, wala bang epekto sa Duterte admin?
Walang humpay na pagsirit ng presyo ng gasolina, wala bang epekto sa Duterte admin?
Hamon sa i-ACT laban sa illegal terminal Lawton
Hamon sa i-ACT laban sa illegal terminal Lawton

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *