MAY lamang na, kumbaga, si Pia Wurtzbach sa mga kapwa Pinay n’ya na naging Miss Universe. Magkakaroon na siya ng wax statue sa napakasikat na wax museum na ang simpleng pangalan ay Madame Tussauds. Mga sikat sa buong mundo ang may wax statues sa iba’t ibang bansa sa Madame Tussauds. Mga royalties ng United Kingdom, US presidents, heroes ng World History, sports heroes, international movie stars and singers, at notorious criminals.
Kung reliable ang data ng Wikipedia sa Internet, wala pang international beauty queen na may wax statue saan man sa 24 na Madame Tussauds. Sa wax museum sa Hong Kong ilalagay ang wax statue ni Pia. Actually, siyam lahat ang Madame Tussauds wax museum sa Asia at apat sa mga ‘yon ay nasa China.
Galing na sa Hong Kong si Pia para masukatan siya ng mga gagawa ng wax statue n’ya at malaman nila pati skin tone n’ya at kulay ng mga mata n’ya.
Sinasabing napaka-realistic ng mga estatwa sa wax museum kaya’t ‘pag pinatayo sa tabi ng mga ito ang tunay na tao at ipinagaya ang posisyon ng estatwa, maraming viewers ang nalilito kung alin ang estatwa at alin ang tunay na tao.
Alam ng mga nangangasiwa sa wax museum.na maraming Pinoy sa Hong Kong kaya si Pia ang napusuan nilang gawan ng wax statue.
Reaksiyon ni Pia sa latest development na ito sa buhay n’ya: “When I found out, I was so excited. I couldn’t believe it! In my head, this is something only happens to big stars.”
Pahayag naman ng general manager ng Madame Tussauds sa Hong Kong na si Jenny Yu: ”With Pia’s sweet, positive and fun personality, we really could not have imagined having anyone but her to represent the Philippines in this way.
“More than being a queen, she has all the makings of an icon and we’re proud to be able to house her wax figure at Madame Tussauds Hong Kong for the rest of the world to be able to interact with.”
(Danny Vibas)