Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rei Tan Glydel Mercado Tonton Gutierrez BeauteDerm
Rei Tan Glydel Mercado Tonton Gutierrez BeauteDerm

Glydel Mercado bilib sa BeauteDerm at sa CEO nitong si Ms. Rei Tan

SOBRA ang kagalakan ng veteran actress na si Glydel Mercado sa mainit na pagtang­gap sa mga Beautederm am­bas­sadors sa opening ng 41st physical store ng Beautefy by Beautederm ng distributor na si Ms. Maria de Jesus.

“We are very over­whelmed by such presence of so many people at Ali Mall, of course very happy kasi marami nag-support sa aming lahat. Kahit doon sa ribbon cutting namin sumunod pa rin sila,” saad ni Glydel na nakasama rito sina Ms. Sylvia Sanchez, Carlo Aquino, Tonton Gutierrez, Shyr Valdez, Alma Concepcion, Matt Evans, at ang social media influencer na si Darla Sauler.

Ano ang masasabi niya sa pagiging endorser ng Beaute­Derm? “I’m so happy to be an ambassadress of Beautederm because all their products are good and effective.

“It all started when my friend Shyr Valdez saw me na gina­gawa kong cologne ‘yung perfume na Jo Malone, she said na may scent ang Beautederm na ka-scent ng perfume ko kasi sayang daw ‘yung Jo Malone kung gagawin ko lang cologne. Then doon nag-umpisa lahat, binigyan niya ako ng sample ng cologne ng Beautederm and i loved it!

“Then, Ms. Rei (Tan, CEO at owner ng BeauteDerm) started giving me products of Beaute­derm and then kinuha na nila akong endorser.”

Pahabol pa ni Glydel, “Actually, one year na siyang nagsu-supply sa akin, hindi pa ako ambassadress sa Beaute­derm, nagsu-supply na siya sa akin. Tapos, BFF na kami pero ‘di ko pa siya nami-meet. One year na kami magkakilala pero di ko pa siya nami-meet,” nakatawang saad ng magandang misis ni Tonton Gutierrez.

Pinuri rin niya ang kabaitan ni Ms. Rei. “Alam mo napakabait na tao, sobra. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kabait na tao na sana, huwag abusuhin ng iba. Kasi napakabait talaga niya.

“Ms. Rei is the kindest and very thoughtful person that I know, super bait, a very giving person, wala akong masasabi kundi napakabait niya, kaya super blessed siya by God,” saad pa ni Glydel na napapanood ngayon sa The Step­daughters ng GMA-7 and this December sa MMFF entry nina Vic Sotto at Coco Martin na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Quinn Carillo, enjoy katrabaho sina Ana Capri at Ronnie Lazaro
Quinn Carillo, enjoy katrabaho sina Ana Capri at Ronnie Lazaro
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …