IPINAKAKAON ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque ang prosecution panel na humahawak sa kaso ng Maguindanao massacre laban sa pamilya Ampatuan, ang pangunahing suspek sa pagpaslang sa 58 katao na kinabibilangan ng 32 mamamahayag noong 23 Nobyembre 2009.
Ayon kay Secretary Roque, ipinaa-arrange niya ang meeting sa prosecution panel at kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte upang magbigay umano ng updates ang prosekusyon.
Ito ay sa kasagsagan ng mga napapabalitang pag-atras ng ilang witnesses…
Kung binabawi nga naman ng mga witness ang kanilang naunang testimonya, tiyak na magkakaroon ng epekto ito sa proseso ng prosekusyon.
Ang tanong, ganoon lang ba kadaling bawiin ang mga testimonya ng mga testigo?! Wala ba silang pananagutan sa batas gayong dahil sa kanilang mga testimonya ay ikinulong ang mga Ampatuan?!
Papayag ba ang mga Ampatuan na nakulong sila tapos lalabas na wala pala silang kasalanan?! Hindi kaya balikan nila ang mga testigo?!
Kung gaano katagal ang itinatakbo ng kaso, ganoon din katagal ang inilalagi ngayon sa kulungan ng mga natitira pang suspek na kinabibilangan nga ng mga Ampatuan.
Pero bakit nga ba nag-atrasan ang mga witness?! Talaga bang hindi tama ang kanilang testimonya?
O dahil ‘naglaro’ sila sa games na “if the price is right?”
Kung hindi tayo nagkakamali, naging private lawyer si Secretary Roque ng ilang naiwan ng mga biktima kaya palagay natin e malaking tulong kung mailalapit niya ang kaso sa Pangulo.
Paano kung lahat ng witness ay mag-atrasan na?! Ano ang mangyayari sa kaso ng Maguindanao massacre?!
Alalahanin na malapit na ang ika-9 na anibersaryo nito…
Makamit pa kaya ng mga biktima at ng mga naulila ang katarungan?
Tsk tsk tsk…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap