PUMASOK na ang typhoon Trami sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at ngayon ay tinatawag na ito sa local designation bilang Paeng, ayon sa PAGASA nitong Linggo ng hapon.
Sa live briefing ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon, sinabi ni meteorologist Ariel Rojas, ang bagyong Paeng ay walang direktang epekto sa Filipinas at hindi pa pinalalakas ang Southwest Monsoon (Habagat).
Maaaring maaapektohan nito ang extreme northern Luzon (Babuyan at Batanes islands) sa Biyernes, 28 Setyembre, ngunit sa ngayon ay hindi inaasahang babagsak sa kalupaan. Ito ay inaasahang lalabas ng PAR sa Sabdo.
Sa 4:00 pm weather bulletin, sinabi ng PAGASA, namataan ang bagyong Paeng sa 1,315 kilometers ng silangan ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang maximum sustained winds na 125 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 155 kilometers per hour.
Si Paeng ay kumikilos nang pakanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ayon sa state weather bureau, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makakaranas ng localized thunderstorms na magdudulot ng bahagyang ulap hanggang sa maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan.