SA totoo lang, naniniwala kaming lulusot bilang action star si Luigi Revilla, na kasama ng kanyang mga kapatid na sina Jolo at Bryan sa pelikula nilang Tres.
Sinasabi ng iba na mukhang hindi masyadong matangkad si Luigi, eh bakit kailangan bang matangkad ang isang action star? Bakit matangkad ba naman si Coco Martin? At ang advantage pa ni Luigi, isa siyang blackbelter at talagang enthusiast ng mixed martial arts. Expert siya sa Muay Thai, judo, karate at iba pang Asian fighting technique.
Napakalaking advantage niyan dahil tiyak na may maipakikita siyang hindi magagawa niyong mga artistang tinuruan lamang ng routine.
Iyon nga lang, minsan dahil totoong laban ang alam niya, minsan hindi naman niya matantiya ang routine nila, kaya nagkakatamaan nang hindi naman sinasadya, nabungi nga lang ang isang kaeksena niya.
Ang isa pang sinasabi nilang advantage ay napaka-wholesome ng dating ni Luigi. Pogi kagaya ng tatay niya at mahusay magdala ng damit. Mukhang disente pati, pero lalaban sa action. Iyan iyong matagal na nating hindi nakikita sa mga nag-aambisyong maging action star.
Hintayin natin iyang Tres, at ang paniwala namin lulutang nang husto iyang si Luigi sa pelikulang iyan. Mukhang action star talaga eh.
HATAWAN
ni Ed de Leon