Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

2 akyat-bahay todas sa shootout

PATAY ang dalawang hinihinalang akyat bahay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5 sa Brgy. Lagro salungsod, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni Supt. Benjamin Gabriel Jr., hepe ng Fairview PS5, kay QCPD director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang dalawang suspek na kapwa nakasuot ng bonnet at helmet ay kapwa napatay sa palitan ng putok sa Mindanao Avenue Ext., Brgy. Greater Lagro, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon, nilooban ng dalawang suspek ang bahay ni Christine Quintela sa Ascension Avenue, Brgy. Greater Lagro.

Makaraang tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo ay agad ipinaalam ni Quintela ang insidente sa barangay officials ng Brgy. Greater Lagro na siyang nag-report sa insidente sa Fairview PS 5.

Kasunod nito, iniutos ni Gabriel sa mga tauhan na maglatag ng checkpoint sa mga lugar na puwedeng daanan ng dalawang magnanakaw.

Nang mamataan ang mga suspek habang papalapit sa checkpoint sa kanto ng Domingo de Ramos St., at Acension Avenue ay pinaputukan nila ang mga operatiba at nagawang takasan ang checkpoint.

Dakong 12:45 am, habang nagsasagawa ng buy-bust operation ang Station Anti-Drug Enforcement Unit ng PS5 sa Mindanao Avenue Ext., nakarating sa kanilang kaalaman ang alarma kaugnay sa dalawang suspek.

Nang masabat ang mga suspek ay pinatitigil sila ng mga awtoridad ngunit pinapu­tukan nila ang mga pulis na human­tong sa palitan ng putok at nagre­sulta sa pagka­matay ng dalawa. (ALMAR DANGUI­LAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …