PAREHONG guests sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa ika-11 anibersaryo ng Gabay Guro sa Linggo, Setyembre 23 na gagawin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kaya naman sa paglulunsad ng ika-11 taon ng Gabay Guro, ang PLDT-Smart Foundation’s education advocacy noong Lunes na ginawa sa Cities Events Place natanong agad si Gabby sa posibilidad na magka-duet sila ni Sharon.
Sumagot naman agad ito ng, “Naman!” At agad idinagdag ang, “Alam n’yo na kung anong kanta. ‘Yung standard namin. Sabagay may mga tatlong kinanta kami noon.”
Sinabi pa ni Gabby na matagal na niyang hinihintay na magka-duet sila ni Sharon nang tanungin kung open silang mag-duet together. “Hindi nga lang matuloy-tuloy,” susog pa ng actor.
Open din siyang makipagsama sa iisang stage kay Sharon in the near future.
Samantala sinabi ni Gabby, malapit ang puso niya sa mga guro dahil isang guro ang kanyang ina. Actually, gusto sana niyang maging isang teacher noong nasa America siya, sa Montessori.
“Gusto ko sanang kunin din iyong kinuha niya (mom) kaso noong pumasok ako sa real state hindi ko na nagawa iyon,” sambit ng actor.
Favorite subject niya ang Science.
Sobra naman ang pagkatuwa ni Gabay Guro Chairperson Chaye Cabal-Revilla kay Gabby. Aniya, “gusto ko lang ikuwento how professional Gabby is. We brought him to Agusan eh nag-promise siya, nag-commit siya na sasama siya sa amin. Pero a day before the trip ay may aksidenteng nangyari sa kanya. Inoperahan siya pero sumama pa rin siya. Naka-wheel chair siya sa airplane at iika-ika siya. Sabi namin na huwag na siyang bumaba kasi natatakot kami na baka maapakan. Eh ‘pag regional kami wala kaming security na dala. Nang bumaba siya biglang nagkagulo ang mga teacher.”
Star-studded ang 11th anniversary ng Gabay Guro na bukod kina Sharon at Gabby, naroon din sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Pops Fernandez, Randy Santiago, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Jovit Baldivino, Jaya at iba pa para magpasaya sa maraming guro.
“Gabay Guro’s annual Grand Gathering is our big ‘Thank You’ to all our beloved teachers who dedicate thjeir life to the invaluable role of educating our children,” dagdag pa ni Ms. Chaye at tiniyak na mas bongga ang mga raffle prize na matatanggap ng lucky winners.
Nariyan ang mga certificates, smartphones at gadgets, home appliances, livelihood packages, vehicles, at brand new house and lot.
ni MARICRIS VALDEZ