MILLENNIAL action film kung i-describe ni Luigi Revilla ang Amats, isa sa trilogy episode na kasama sa Tres movie nilang magkakapatid—Jolo (72 Hours) at Brian (Virgo)—na mapapanood na sa Oktubre 3, handog ng Imus Productions at ire-release ng Star Cinema.
Ayon kay Luigi, fast paced ang Amats at walang masyadong barilan.
“More of martial arts which is nagamit ko ‘yung strength,” sambit ni Luigi na isa pa lang black belter. “Magaling ang mga director naming sina Richard Somes (Virgo) at Dondon Santos.
“At iba iba ang mapapanood ninyo. Ang ‘72 hours ni Jolo, sobrang Bong Revilla ang dating. Kayang-kaya niya for some reasons. Ang daming pasabog, ang daming pinasabog, grabe ‘yung barilan.
“Kay Kuya Brian naman nakita ko ang lalim ng acting niya. Kahit noong napanood ko ‘yung pelikula niya, tumaas ang balahibo ko, napakagaling niyang artista. Sobrang dark ng ‘Virgo’, iba ‘yung scene,” sambit pa ni Luigi ukol sa pagkakaiba-iba ng kanilang episode.
Pagkukuwento pa ni Luigi, bago nila gawin ang pelikula, madalas silang mag-usap ng kanyang director na si Dondon Santos. “We used to talk about the script, kung paano pa siya pwedeng mapaganda. At ‘yung character ko mismo kung ano ‘yung gusto niyang makita.
“Everytime before the scene binabasa niya ‘yung script. He tells me on how I’m supposed to feel, to give me ano lang an idea kung ano ang gusto niyang makita. And at the same time the scenes na medyo mabigat.
“Ang style kasi ni Direk Dondon nagpe-play siya ng music kung kailangan mong umiyak. Nakatutulong ‘yun, napakagaling niyang director.”
Tunay na kapatid
at ‘di half brother
ang trato
SAMANTALA, natanong naman si Luigi ukol sa tinuran kamakailan ni Jolo na hindi niya ikinokonsidera ang una bilang half brother.
“Actually, ‘yung first time na magkakilala kami ‘yung na-meet ko sila, sa wake ng grandmother ko si Lola Zena. That time pa lang grabe na ‘yung pag-accept nila sa akin. Hinalikan pa nila ako and sobrang warm ang pag-welcome sa akin.
“Pero after that time matagal kaming hindi nagkita kasi bata pa ako noon eh.
“And then bigla kaming nagkita sa Boracay and from there when we got back to Manila every Sunday nagkikita na kami until today nangyayari ‘yun.
“So, I think it was God’s plan na nagkita kami sa Boracay eh, kasi sobrang co-incidence na nagkita kami na dahil doon sa Boracay naging close uli kami.
“Kung hindi nangyari ‘yon wala ako ngayon dito (sa Amats). Sobrang blessed and ‘yun nga they don’t treat me as half brother, sobra. Kung ipakikala ako kahit kanino, ‘uy kapatid ko si Luigi.’ Ang pagtrato nila sa akin hindi ko talaga ma-explain dahil sobrang sweet maging ang trato nila sa akin especially si Tita Lani (Mercado).”
Lani, bilang
ikalawang ina
PURING-PURI rin ni Luigi si Lani. Aniya, “When I first went to Alabang (tahanan ng mga Revilla), parang never ko na-feel na I wasn’t welcome. From day one I’m sure kahit paano masakit ‘yun kay Tita Lani we can’t deny na may anak si Papa (Bong) sa labas pero grabe, bilib ako sa pag-handle niya ng situation. Kasi she never made me feel na I was out of place especially when I visit them, siya pa ‘yung nagpapakain sa akin.
I love Tita Lani. I see her as my second mom,” giit pa ng batang actor.
“And my mom and her are okey. And I’m just really happy and blessed that she and my siblings accepted our family. Ngayon sobrang close kami.
“Even my wife and Tita Lani, close rin sila. Nagbibigayan pa nga sila ng gifts minsan. She never forget about my wife and also my friends when we visit, hindi ‘yung parang ‘uy sino ba ito?’ Never.”
I wanted to be
just like Papa
UNANG napanood si Luigi sa mga serye sa GMA 7, pero para bigyan ng kaunting background kung sino siya, ito ang sagot niya.
“Napakatangkad niya (Luigi), six footer, ha ha ha joke lang po.
“I became a dad young kasi at 24. Hindi naman sobrang young ‘yun kasi I really wanted to have a son. (Ang anak niya ngayon ay 1 yr. at 4 mos.) Gusto ko kasi pagtanda ko medyo kabarkada ko pa ang anak ko.
“Kasi I’m a family oriented guy. Kasi I really like spending time with my family and gusto ko kasi close lahat eh. Gusto ko ang anak ko close sa mga tito’s at tita’s niya, mga relative and everyone. I wanted him… actually I wanted to be just like Papa.
“Gusto ko kasi…si Papa na yata ‘yung pinakamabait na taong nakilala ko. Kahit siguro masama ang loob niya sa iyo hindi niya sasabihin sa iyo, he just keep it inside.
“He’s the type of person na kapag may nag-ask ng help, he will not say no, dahil malaki talaga ang puso niya and very charismatic also.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio