UMABOT sa 32 katao ang patay habang 40 ang na-trap sa pagguho ng lupa sa pananalasa ng bagyong Ompong sa Itogon, Benguet, ayon sa alkalde ng nasabing bayan kahapon.
Ayon kay Mayor Victorio Palangdan, sinisikap ng mga awtoridad na marekober ang 40 katao na na-trap sa bunkhouse na natabunan ng lupa sa naganap na landslide.
“May isang bunkhouse ng isang kompanya na may tinatayang 40-50 people trapped. Pero natabunan na ng lupa, ‘yun ang inaalala namin baka patay lahat ng mga ‘yun,” ayon kay Palangdan.
Sinabi ni Palangdan, natabunan ng lupa ang lumang Benguet Corporation bunkhouse na hinayaang gamitin ng small-scale miners sa kabila na delikado ang nasabing lugar.
“We know for a fact that this area is dangerous because there is a big tunnel mined by Benguet Corporation a hundred years ago,” ayon sa alkalde.
Isinisi ni Palangdan ang landslide sa pagmimina. Aniya, ipatitigil niya ang mining operation na nagdulot ng sinkholes hindi lamang sa Itogon kundi maging sa ibang lungsod at bayan sa Benguet.
“No more mining should be done in this municipality,” aniya.
HATAW News Team