Friday , November 22 2024

Super Typhoon Mangkhut nasa PH na — PAGASA

PUMASOK na ang super typhoon Mangkhut sa Philippine Area of Responsibility dakong 3:00 pm nitong Miyerkoles, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Ayon sa weather advi­sory mula sa PAGASA, ang super typhoon Mangkhut ay opisyal nang pina­ngalanan bilang “Ompong.”

Nagbabala ang Na­tion­al Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (NDRRMC) nitong Miyerkoles sa publiko na maaaring simulang maranasan ang malakas na buhos ng ulan ngayong Huwebes dahil sa bagyong Ompong.

Ayon sa NDRRMC, ang bagyong Ompong ay inaasahang makaaapekto sa Northern Luzon, Cagayan, Cordilleras, at Central Luzon.

Gayonman, ang bag­yo ay inaasahang magpa­palakas sa Southwest Monsoon, na magdudulot ng malakas na buhos ng ulan sa Visayas, MIMA­ROPA, Zamboanga pe­nin­­sula, Northern Mindanao at CARAGA.

“As it approaches malakas na ‘yung pag-ulan e. Kung tatama man siya sa lupa, expected landfall is early morning of Saturday. Pero ‘yung malakas na pag-ulan, Friday pa lang mara­ramdaman na even Thursday,” ayon kay NDRRMC Undersecretary Ricardo Jalad sa press briefing.

ULAN NI OMPONG
LAMPAS PA
SA ONDOY

INIHAYAG ng PAGASA na maaari pang lagpasan ng super typhoon Om­pong (international code­name Mangkhut) ang ulan na idinulot ng Ondoy noong 2009, kapag pina­lakas nito ang habagat.

“Kamukha din noong panahon ni Ondoy, habagat din ‘yun. So kung may habagat din siya plus ‘yung ulan mismo ay nanggagaling sa bagyo so puwede siyang (tubig) tumaas. Puwedeng abu­tin si Ondoy, puwe­deng lagpasan ang Ondoy dahil meron itong sinasabi natin na habagat,” pali­wanag ni PAGASA administrator Dr. Vincent Malano.

PNP FULL ALERT
SA SUPER TYPHOON

BILANG paghahanda sa posibleng epekto ng super typhoon Ompong o Mangkhut, idideklara ng Philippine National Police (PNP) sa full alert ang kanilang puwersa nga­yong araw.

“Effective 6:00 am tomorrow, September 13, I am placing all Luzon-based PNP units on full alert condition to ensure availability of resources and personnel for possible disaster response opera­tions,” ayon kay PNP chief, Director General Oscar Albayalde sa press conference nitong Miyer­koles.

Sinabi ni Albayalde, inatasan din niya ang PNP’s maritime, mobile and special action forces na palakasin ang rescue operations dahil ang ilang pulis ay residente rin ng mga eryang babagtasin ng bagyo.

Sinabi ng PNP chief, iniutos din niya ang pre-positioning ng police personnel at mga kaga­mitan sa high risk areas katulad ng coastlines at riverbanks.

Magsasagawa rin ang pulisya ng aerial surveys makaraan ang panana­lasa ng bagyo, kung kinakailangan, ayon kay Albayalde.

Palasyo sa publiko
SUPER TYPHOON
OMPONG
PAGHANDAAN

PINAALALAHANAN ng Palasyo ang publiko na maging alerto at ligtas sa paparating na super typhoon Ompong sa bansa.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Spokes­man Harry Roque, sa latest update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may naihanda ng standby funds, food packs at iba pang relief assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakikipag-ugnayan na aniya ang Palasyo sa mga ahensiyang may kinalaman sa disaster preparedness para sa ka­ni­lang mabilis na pagtu­gon sa mga maaaring maapektohan ng bagyong Ompong

“Ngayon pa lamang po ay hinihikayat na po natin ang ating mga kababayan na uman­ta­bay sa mga ulat, balita, abiso at anunsiyo mula sa mga estasyon ng gobyer­no, maging sa social media accounts ng mga ahensiya ng pamaha­laan,” ani Roque.

Hinimok ni Roque ang mga mamamayan na alamin ang evacuation plan sa kanilang lugar, maghanda ng flashlight at radyo na may bagong baterya, sapat na pag­kain, maiinom na tubig, gas, baterya, at first-aid supplies.

“Iwasan rin po natin ang mabababang lugar, pampang, bangin at paanan ng burol at bundok.  Sa ating mga kababayan po na wala namang gagawin sa labas ay mangyaring manatili na lamang po sa kanilang mga bahay at huwag gumala para sa inyong kaligtasan. Ipanalangin po natin ang kaligtasan ng lahat,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

Signal no. 1
sa Catanduanes
OMPONG BANTA
SA NORTH LUZON

ITINAAS sa signal No. 1 ang Catanduanes maka­raan pumasok ang bagyong Ompong sa Philippine Area of Res­ponsibility (PAR) nitong Miyerkoles ng hapon.

Sa 5:00 pm weather bulletin, sinabi ng PAGASA, ang Catan­duanes ay makararanas ng peripheral effects ng bagyong Ompong sa loob ng 36 oras, magdadala ng mga pag-ulan at malakas na hangin.

Ayon sa PAGASA, ang Signal No. 1 ay maaari rin itaas sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora, Cama­rines Norte at Camarines Sur ngayong Huwebes ng umaga.

Dakong 4:00 pm kahapon, namataan ng PAGASA ang bagyong Ompong sa 1,145 kilo­meters east ng Virac, Catandunaes, sa lakas ng hangin na 205 kilometers per hour at pagbugsong hanggang 255 kilometers per hour.

Ang bagyong Om­pong ay inaasahang magiging super typhoon pagsapit sa lakas na 220 kph hanggang 270 kph (maximum sustained winds/gustiness) ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.

Inaasahang babagsak sa lupa ang bagyo sa northern tip ng Cagayan sa Sabado at aalis ng PAR sa Linggo ng hapon.

About hataw tabloid

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *