Tuesday , November 5 2024
Fifth Solomon Alex Gonzaga Jerald Napoles Joj Agpangan Nakalimutan Ko Nang Kalimutan
Fifth Solomon Alex Gonzaga Jerald Napoles Joj Agpangan Nakalimutan Ko Nang Kalimutan

Fifth, pinaghandaan ang mga magtataas ng kilay

NAKAIINTRIGA ang trailer ng pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan nina Alex Gonzaga at Vin Abrenica dahil mala 100 Tula Para kay Stella; Meet Me In St. Gallen, Sid and Aya, at Kita Kita ang peg na isinulat at idinirehe ni Fifth Solomon, ang kakambal ni Fourth na parehong galing Pinoy Big Brother All In.

Sina direk Jason Paul Laxamana, Sigrid Andrea Bernardo at Irene Villamor ba ang peg din ni Fifth sa paggawa ng pelikula?

Aminado si Fifth na tiyak na maraming magtataas ng kilay sa kanya bilang direktor at tanggap niya iyon kaya nga naikuwento niya na nag-aaral naman siya ng masteral sa filmmaking sa Australia at may isang semester na lang siyang kulang.

Hindi nila alam ‘yung preparations ko, nag-aral naman ako, nag masters din naman ako ng film sa Australia. Hindi ko nga tinapos kasi dinugo ako sa accent doon (sabay tawa), ang hirap, eh.

Napagod na po kasi akong maghugas ng mga baso at pinggan at magtimpla ng kape. Pero babalik naman po ako sa Australia, tatapusin ko. Gusto ko lang po munang mag-ambag sa pelikulang Filipino,” kuwento ni fifth.

Pero gusto pa ring umarte ni direk Fifth, “pero siyempre mas mapo-focus na ako sa directing at pagsusulat ngayon kasi mas malaki ang pera. At saka mahal ko ang ginagawa ko. Kasi kapag nag-shoot ka at naidirehe mo ‘yung isinulat mo, ang sarap sa feeling na nakapag-ambag ka ng kuwento sa ibang tao.

Kaya laking pasalamat ko kasi pinagbigyan ako ni Alex na maging bida sa movie at siyempre sa kaibigan din naming producers na sina Glen (at Winston Llamas),” sabi ni Fifth.

Natanong ang isa sa producers’ ng Wilbros na si Glen kung bakit nagtiwala sila kay Fifth, “actually we’ve known Fifth for 4 or 5 years already at lagi niyang naikukuwento itong story. Alam naming he’s (Fifth) very talented and we believe na a company like us would have to invest to someone na kaibigan namin para at least to give him the right break and I believe na this is the one na.”

Kilala ang Wilbros bilang concert producers dahil pawang malalaking international artists ang nadadala nila rito sa bansa at parating sold out pa at dahil unang beses nilang pinasok ang pelikula kaya malaking sugal ito para sa kanila pero dahil naniniwala sila sa magandang concept at kakayahan ni Fifth bilang direktor at ng mga artistang kasama sa Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka ay talagang go sila.

Kaya naman excited ang mga producer sa nalalapit na showing ng Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka sa September 19 na ang cast bukod kina Alex at Vin ay kasama rin sina Jerald Napoles, Rufa Mae Quinto, Joj Agpangan, Keiko Necesario, at Candy Pangilinan.

Sa tanong kay Fifth kung paano niya napa-oo ang mga artista niyang may mga pangalan na at bilang baguhang direktor ay tumawad ba siya sa talent fees nila o presyong kaibigan.

Wala silang bayad. ‘Pag kumita ako, kikita sila,” birong sabi ni Fifth.

Pagpapatuloy nito, “may bayad po sila, si Alex package po ‘yan at presyong Mommy Pinty (Gonzaga) ha, ha.  Nakatatawa nga, nasa Japan ako nagtatawaran kami ni mommy PInty, sabi niya, ‘itaas (tf) mo ng kaunti.’  Indie film po kami, nagsisimula palang so okay naman po ibinigay nila.”

Tulad nga ng nasulat namin sa bandang unahan na ang peg ng pelikula ni Fifth ay pang-dalawahang karakter lang at kumita naman ‘yung iba at mas marami ang hindi. Kaya hindi ba takot ang baguhang direktor sa pelikula niya kung kikita o hindi?

Siyempre kinakabahan at natatakot kasi sugal ito, siyempre business pa rin po ito at ang daming sunod-sunod na magaganda (ipinalabas na), sana tangkilikin ito sa Setyembre 19,” pakiusap ni Fifth.

Ano nga ba ang pagkakaiba ng Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka sa ibang pelikulang dalawa rin ang karakter.

Ano po ito, hindi the usual formula, may dramatic na pag-angal. Makare-relate kasi realistic sa ending po pag-iisipin ka, unexpected sa ending. Tapos ‘yung movie po naming realism at may halong fantasy. Kung may clinic na magtatanggal ng puso mo, ipatatanggal mo ba ang puso mo para mawala na rin ang sakit at mga alaala, ganoong tipo po. 

Kasi minsan ginawa na nating lahat para mag-move on tayo, nag-tinder na tayo, nag-soul searching na sa Korea, food tripping, naglasing pero hindi pa rin nating makalimutan ‘yung taong minahal natin.  Kaya kung tatanggalin ang puso mo, papatanggal mo ba? Ayan may mga symbolism,” kuwento ni direk Fifth.

Hindi itinanggi ni Fifth na nagkaroon siya ng vertigo sa shooting ng pelikula at sa katunayan ay bumili na siya ng isang banig ng gamot pero masaya naman siya dahil masaya siya sa first directorial job niya.

At higit sa lahat, pressured kasi kailangang kumita tayo para maging happy sila (producers),” saad ni Fifth.

Kaya abangan ang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka sa Setyembre 19 nationwide mula sa Wilbros Films.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Imee, ipaglalaban sina Dolphy at Nora para maging National Artist
Imee, ipaglalaban sina Dolphy at Nora para maging National Artist

About Reggee Bonoan

Check Also

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *