SOBRANG happy si Nova Villa nang makarating sa kanya na blockbuster ang pelikulang Miss Granny, na pinagbidahan nila ni Sarah Geronimo. Kaya ipinarating niya sa mga producer ng pelikula ang taos-pusong pasasalamat, dahil siya ang napili na gumanap dito bilang old Sarah.
“I’m so thankful to Viva and N2 Productions. Salamat ng marami for giving me the chance, for giving me the break, a very good break. Sa edad kong ito, pinagkatiwalaan niyo ako, maraming salamat. Thank you so much, sa mga nanood po, maraming-maraming salamat. Talagang itong nararamdaman namin ngayon, kami ng actors na nag-portray sa ‘Miss Granny,’ we’re very grateful. Thank you talaga for the support, for watching the movie, for all the applause, ‘yung magaganda ninyong sinasabim” ani Nova.
MA at PA
ni Rommel Placente