Thursday , December 26 2024

Life sentence sa 3 big time drug pushers (Tagumpay ng Taguig kontra droga — Mayor Lani)

ITINUTURING ni Taguig Mayor Lani Cayetano na tagumpay ng mga mamamayan at ng buong lungsod ang hatol na habang buhay na pagkakabilanggo sa tatlong big time na drug pusher ng regional trial court (RTC).

Sabi nga ni Mayora, “This is a crucial victory in a crusade we’ve begun in 2010.”

Dagdag ng matapang na babaeng alkalde, “The adverse effects of illegal drugs ripple from the individual to the community at large so we’ve maintained the offensive versus this ‘industry.’ Each drug personality we pin down is definitely a win for the city.”

Batay sa hatol ni Judge Antonio Olivete ng Taguig RTC Branch 267 nitong Lunes, 3 Setyembre, guilty ang mga akusadong sina Jose Vastine, Edilberto Ty, at Albert Joaquin Ong na inatasan din magbayad ng multang P500,000 matapos mapatunyang “guilty beyond reasonable doubt” sa paglabag sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Gayonman, sasailalim sa rehabilitasyon sina Ong at Vastine sa loob ng anim na buwan sa isang government center sa hiwalay na kasong pag­la­bag sa Section 15 Article 2 ng nasabing batas.

Ipinalilipat na ni Judge Olivete ang tatlong sentensiyadong drug pushers sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Kompiyangsang sinabi ni Mayora Lani, “We’ve always been confident that the people would win this litigation,” saad ni Mayor Lani. “This is a fitting conclusion. It is proof that the city is committed to the safety and well-being of Taguigeños.”

Sina Vastine, Ty at Ong ay nahuli ng pamahalaan sa isang buy-bust operation at nakuhaan sila nang mahigit dala­wang kilo ng high-grade cocaine na nagka­kahalaga ng P10 milyon noong 2011. Isa lamang ito sa maraming anti-drug operation ng Taguig PNP na malalaking tao ang mga nalalambat ng pulis.

Magugunitang ang mga miyembro ng Tinga Drug Syndicate na sina Joel Tinga at Elisa “Ely” Tinga ay nasentensiyahan na rin ng reclusion per­petua dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga noong Setyembre 2016 at Pebrero 2017.

Si Elisa na sinasabing asawa ni Noel Tinga, ay pinsan umano ni dating Taguig Mayor Freddie Tinga, ang third most wanted person sa listahan ng illegal drug personalities. Siya ang ika-pitong miyembro ng Tinga Drug Syndicate na nahuli at nakulong.

Sa kanilang talaan, tinukoy na Top 10 drug personalities noong 2015 ang isang Michael Butch Tan, Sancho Espiritu, Alfonso Dacquel, Richard Silvestre, Isidro Llagas, Mardie Talampas, Jackie Abone, Adonis Venus, Bags Malay at Rawie Castro — kasalukuyang nakakulong dahil sa programa ng Taguig PNP na masawata ang droga sa lungsod.

Noong 2016, ang Taguig Anti-Drug Abuse Council ay naglunsad ng drug-free community program para sa mga nalulong sa droga. Ang dalawang buwan na programa ay may layuning i-rehabilitate ang mga drug user at ma-reintegrate sila bilang mabuting mamamayan.

Sa ilalim ng liderato ni Mayor Lani, nagpa­tupad ang Taguig ng “one-strike policy” laban sa business establishments na mahuhuling nagbebenta o pumapayag gumamit ng ilegal na droga ang kanilang mga customer. Agad mare-revoke ang kanilang business permits kahit ang establishments ay first-time offenders.

“All these measures and convictions should be a clear warning to users, and pushers,” paalala ni Mayor Lani. “We will not stop playing our part in making the nation drug-free.”


 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap


Fake news sa Clark International Airport
Fake news sa Clark International Airport

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *