Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward
Jillian Ward

Jillian, nawi-wirduhan sa mga manliligaw

THIRTEEN years old na ngayon ang dating cute na cute na child actress na si Jillian Ward.

Officially ay teenager na siya.

Ano ang pakiramdam na isa na siyang ganap na teenager?

“Well, nakakapanood na po ako ng mga pang-13 plus na movies,” at tumawa si Jillian. ”And parang siguro po mas medyo naging mature rin, kahit paano and pati ‘yung mga kaibigan ko rin po. Kumbaga, teenagers na rin po. Pero rati po kasi puro mga bata po ang mga kaibigan ko.”

Ano pa ang pagbabago sa buhay niya ngayong hindi na siya batang paslit?

“Siguro po yung medyo kailangan mo ng maging mas mature and ayun po, parang talagang ang expectations po ng mga nakatatanda ngayon dahil teenager ka na talagang dapat mature na po ‘yung pag-iisip.

“Pero medyo isip-bata pa rin po ako,” at tumawa ang Kapuso young actress.

“Pero… wala naman pong ipinagbago, ‘yun lang parang mas maging mature lang po, ‘yung mga nasa paligid ko rin po mas mature na rin ‘yung mga nakakausap ko po.

“And mas naiintindihan ko na po ‘yung mga usapan  ng matatanda.”

Sa Super Ma’am huling napanood si Jillian na ngayon naman ay mapapanood sa My Special Tatay bilang si Odette Villaroman.

Mahigit isang taon na ring napapanood si Jillian sa Daig Kayo Ng Lola Ko tuwing  Linggo.

This time, sa My Special Tatay na isang drama show naman kasama si Jillian.

“Happy po ako na makababalik ako sa drama  kasi nga po puro fantasy and ‘yung last ko pong drama is ‘Sa Piling Ni Nanay.’”

Bida sa My Special Tatay si Ken Chan bilang si Boyet na may Mild Intellectual Disability with Mild Autism Spectrum Disorder.

May mga nagpapa­ramdam na kay Jillian ng interes (via direct messages sa Ins­ta­gram) pero hindi niya ine-entertain ang mga ito.

“Hindi ko po sila puwedeng hayaang manligaw dahil hindi ko po alam kung anong magagawa ni Papa sa akin,” at muling tumawa si Jillian.

Hindi pa siya puwedeng ligawan.

“Hindi pa po puwede.

“Siguro po, ang tip ko po sa kanila, puwedeng magka-crush pero bawal pa pong manligaw.”

Ano ang nararamdaman niya kapag may mga nagpapadala ng mensahe  na nagpa­pahi­watig ng pagka­gusto sa kanya at kainteres na manligaw?

“Medyo weird po kasi parang halos ngayon lang po nag-start ‘yung mga ganoon, parang iba po sa pakiramdam.

“Pero wala naman po, kasi hindi ko naman po ine-entertain.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …