Saturday , January 28 2023

Shyr Valdez, hanga sa pagiging totoong-tao ni Super Ma’am Marian Rivera

BILIB si Shyr Valdez sa kabaitan at pagiging totoong-tao ng bida sa Super Ma’am at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Kaya magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman niya sa pagtatapos ngayon ng TV series nilang Super Ma’am.

Saad ni Shyr, “There’s a saying… in every beginning, is an ending. In as much as we’d like for the show to continue, we need to end already and move to the next chapters of our careers, and look forward to the next show GMA has in store for all of us.

“It is a bitter sweet goodbye for the cast because the cast of Super Ma’am became really close and we are matter of fact having separation anxiety attacks as far back as a month ago. Our last airing will be January 26, 2018, kaya huwag po ninyong  palalagpasin.”

Dagdag ni Shyr na gumaganap dito bilang principal, “Masaya ako because nakabuo kami ng family sa Super Ma’am, malungkot naman because mami-miss namin ang isa’t isa. Pero may plan naman kami na every month ay may bonding kami. As a matter of fact, nakaayos na sched namin lahat nang get together namin. Pati ang viber group namin, hindi namin aalisin because ‘yun ang main chat room namin where we can always get in touch with one another.”

Ipinahayag din ni Shyr ang pagkabilib kay Marian dahil sa pagiging totoo at mabuting kaibigan. “The first time nakasama ko si Yanyan sa Carmela, ang impression ko agad, iba siya sa mga naririnig ko. But one thing is for sure, straight forward siyang tao at gusto ko ‘yun dahil totoong pagkatao ang ipinapakita niya.

“As the show Carmela progressed, I saw how fond of children si Yanyan (Marian). Then sabi ko sa sarili ko, masuwerte ang magiging anak ni Yanyan. Mukhang magiging mabuting nanay. At at that time, ‘di pa sila kasal ni Dong (Dingdong).

“Dito sa Super Ma’am, dito na kami tuluyan naging magkaibigan ni Yanyan. At napakasarap niyang kasama because alaga niya kami lahat. Maasikaso at ‘di mo mararamdaman na sobrang sikat ang tao na kaharap mo because wala sa utak niya na sikat siya. Masyado siyang kalog at kahit ano kinakain. Maging tuyo, tinapa, sitsirya… kung ano-ano kinakain.

“Ang mga bata sa set kung makipagkulitan sa kanya ganoon na lang at sumasabay siya sa mga bata. Kung makita n’yo lang siya talaga the way we do, maiintindihan ninyo kung bakit ‘di kami makapaniwala sa mga paninira sa kanya. Kasi kahit kailan, hindi namin nakita ang mga sinasabi na negatibo about her. Basta ang masasabi ko, mahal ko si Yanyan, ‘di dahil sikat siya, mahal ko siya bilang kaibigan dahil totoo siyang kaibigan,” mahabang saad ng Kapuso aktres.

Present si Shyr sa opening ng 12th branch ng BeauteLAB by BeauteDerm at Potato King sa tabi ng Fariñas Trans Terminal sa Lacson Avenue, Manila na dinaluhan din ng kapwa BeauteDerm ambassadors na sina Carlo Aquino, Matt Evans, at siyempre pa, ng masipag na CEO/owner nito na si Ms. Rei Tan para sa Meet and Greet ng naturang event.

About Nonie Nicasio

Check Also

Lito lapid Jessie Chua Mark Lapid

Sen Lito Lapid ‘di pwedeng kalimutan ang showbiz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAKA-TOUCH naman si Sen. Lito Lapid. Matagal pa ang Valentine pero parang …

aldub alden richards Maine Mendoza

Alden itinangging ikinasal at may anak kay Maine

RATED Rni Rommel Gonzales SA wakas ay nagsalita na at tinapos na ni Alden Richards ang walang …

Vin Abrenica Sophie Albert

Vin Abrenica at Sophie Albert ikinasal na

MATABILni John Fontanilla NAG-ISANDIBDIB na noong Miyerkoles sina Vin Abrenica at Sophie Albert makaraan ang ilang taong pagsasama. Hindi …

Cassy Legaspi Darren Espanto

Cassy aminadong boyfriend material si Darren

MA at PAni Rommel Placente MAGKAIBIGAN nga lang ba sina Cassy Legaspi at Darren Espanto kahit na madalas silang …

Jeremy Luis Marikit

Ex-Starstruck Jeremy Luis muntik mag-quit sa showbiz

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na muling mag-focus sa kanyang showbiz career ang guwapong dating Starstruck Batch 7 …

Leave a Reply