Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tonton Gutierrez Rhea Tan Glydel Mercado Beautederm
Tonton Gutierrez Rhea Tan Glydel Mercado Beautederm

Tonton, naging daan si Glydel para maging endorser ng BeauteDerm

ANG veteran actor na si Tonton Gutierrez ang latest addition bilang brand ambassador ng BeauteDerm na pag-aari ng CEO nitong si Ms. Rhea Tan.

Naging daan ang misis niyang si Glydel Mercado para matuklasan ng aktor kung gaano ka-effective ang naturang produkto.

“I really do believe in Beautederm, kasi actually its Glydel whos endorsing Beaute­derm, so may­roon siyang mga pro­ducts na ini­uuwi sa bahay.

“So I use it, iyong facial wash, hindi na­man ma­syado akong ano, but the facial wash, I use that. So sabi ko parang very effective ito, kasi may mga kaibigan akong nagsasabi, ‘Si­guro nagpapa-facial ka.’ Sabi ko, ‘Hindi, wala akong hilig sa facial. Sabi ko, ‘Ang ginagamit ko lang ay facial wash ng Beaute­­derm and soap and water.

“So, sabi ko nga, ‘Okay ang Beautederm, very effective at saka maganda for the skin’,” esplika ni Tonton.

Sinabi naman ng lady boss ng BeauteDerm, ang kagalakan na naging endorser na rin nila ang aktor. “Si kuya Tonton kasi binigyan ni ate Glydel ng pro­ducts noon pa at kahit mga yaya daw nila pinapagamit nila ng products at natatanggal iyong melasma nila, kaya napabilib daw siya sa products natin.”

Dagdag ni Ms. Rhea, “Tonton Gutierrez iyan sir, kaya happy ako. Pangalang matagal na at kilala na sa industry, kaya I’m humbled. Guwapo at hindi tumatanda, kaya tamang-tama sa company tagline ko-Behold Beaute!”

Nagpasalamat si Tonton sa pagiging bahagi niya ng Beaute­derm family. “Well, I’m very thankful to Beaute­derm family for getting me and being a part of the Beautederm family, I’m really happy.”

Bukod kina Tonton at Glydel, kasama rin bilang product endor­sers/ambassadors ng BeauteDerm sina Ms. Sylvia San­chez, Arjo Atayde, Carlo Aquino, Matt Evans, Rochelle Barrameda at Jim­well Stevens, Shyr Val­dez, Alma Con­cepcion, Maricel Mo­rales, Bulacan Board Member Alex Castro, Masbate Vice Governor Kaye Revil, San Juan La Union councilor Migz Magsaysay, Councilor Jannah Ejercito, Councilor Kate Cose­teng, Vice Mayor Donya Tesoro, at Darla Sauler.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …