Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rayantha Leigh Kisses Delavin Maymay Entrata
Rayantha Leigh Kisses Delavin Maymay Entrata

Rayantha Leigh, makakabangga sina Maymay at Kisses

THANKFUL ang singer/actress na si Rayantha Leigh sa nominasyong nakuha sa 2018 PMPC Star Awards For Music para sa kategoryang Best New Female Recording Artist para sa kanyang awiting Laging Ikaw na mula sa Ivory Records at sa mahusay na komposisyon ni Mr. Kedy Sanchez.

Ayon sa dalaga, “Nagpapasalamat po ako sa bumubuo ng Philippine Movie Press Club sa nominasyong ibinigay nila sa akin, hindi man po ako manalo ay isang malaking achievement na po ito sa akin.

“Nagpapasalamat ako sa parents ko (Mommy Lani and Daddy Ricky ) dahil lagi silang nandyan para suportahan ang singing career ko.”

Bukod sa nominasyon, nakatakda rin itong pumunta ng Fukouka, Japan para tumanggap ng award at magsisimula na sa Oktubre sa Net 25 ang Bee Happy Go Lucky at Prodigal Prince habang ongoing pa rin ang mall tour kasama ang mga kapwa nito members ng Ppop-Ineternet Heartthrobs.

Makakalaban ni Rayantha sa Best New Female Recording Artist sina Aiana Juarez, Maghihintay (Asian Artist Agency); Janah Zaplan, Di Ko Na Kaya (Ivory Music and Video, Inc.); Kisses Delavin, Di Ko Lang Masabi (Star Music); Kyline Alcantara, Sundo (GMA Records); Leila Alcasid, Completely In Love (Star Music); Maymay EntrataToinks (Star Music); Regine Tolentino, Moving To the Music (Viva Records); at Sofia Romualdez, Thinkin’ Of U (Viva Records).

(JOHN FONTANILLA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …