HINDI pa rin ba magbubunga ang mga tsiwari-wariwap ng dating broadcaster ni Jay Sonza pabor sa administasyong Duterte para magkaroon ng karir?
Mukhang biktima si Jay ng fake news na siya ang ipapalit kay Martin Andanar bilang PCOO Secretary.
Nadamay din sa pekeng tsika ang nananahimik na si Davao City Mayor Sarah Duterte na padrino raw ni Jay by virtue of their friendship.
Yes, Mayor Inday na walang malay na itinanggi ang matagal na nilang pagkakaibigan ni Jay, na sinusugan naman ni SAP Bong Go.
Take it from the guy na siyang may alam sa lahat ng mga appointment ng mga opisyal ng gobyerno. Wala si Jay sa eksena ng balasahan sa nasabing ahensiya.
Buong akala pa naman ng madlang pipol na mayroong magandang kauuwian ang pagiging pro-Duterte ni Jay. Nasilat pala.
No, walang ganitong scenario na magaganap sa PCOO.
Kung sabagay naman kasi’y maselan ang mandatong nakaatang sa balikat ng sinumang mamumuno ng PCOO. Marapatin n’yo ang inyong lingkod na ibahagi ang tungkulin ng tanggapang ito tungo sa pagpapairal ng national consensus sa mga importanteng usapin hinggil sa public governance.
Ang PCOO ay nagsisilbing pangunahing bahagi ng ehekutibo na naglalayong maipaunawa sa taumbayan at mass media ang kalidad at importansiya ng public discourse tungkol sa mga napapanahong isyu.
Hindi nga lang namin sure kung kakayanin ni Jay ang ginagawa ni Andanar.
Kaya sa mga fake newsmakers: imbento pa more!
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III