MARAMI ang humahanga pero marami rin ang pumupuna kay Mommy Divine, ina ni Sarah Geronimo tungkol sa ugali niyang sinauna na naghihigpit sa mga manliligaw ng anak.
Kontra ang ina ni Sarah kapag tungkol sa pag-aasawa ang pinag-uusapan sa kanyang anak.
Nabalita kasing noong mag-birthday ang dalaga silang dalawa lang ni Matteo Guidicelli ang nag-celebrate sa Japan. Surprisingly, biglang bongga ang acting ni Sarah sa Miss Granny at tinagurian pa itong bagong Vilma Santos.
Halatang inspirado si Sarah sabi ng fans.
Nasa tamang edad na si Sarah and she’s not getting any younger.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales