Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pauline Mendoza
Pauline Mendoza

Pauline, umaasang gagaling ang inang may cancer

KAHANGA-HANGA ang Kapuso young female star na si Pauline Mendoza dahil kinakaya niya ang pagsubok sa buhay nilang pamilya. May stage 3 breast cancer ang ina ni Pauline.

Nangyari ang rebelasyon ni Pauline nang makausap namin ang dalaga kamakailan, nagkataon pang naroon din ang kanyang ina habang kausap namin si Pauline.

“Well ayan, okay naman po siya, puro herbal kasi ayaw po niyang pumunta ng ospital, eh!

“Sabi naman po hindi naman po kumakalat (ang cancer).”

Dalawang taon nang ma-diagnose na may cancer ang ina ni Pauline.

So far naman ay okay ang ina ni Pauline.

“Okay naman po siya parang walang sakit po.”

Pero may mga pagkakataon na kapag mag-isa si Pauline sa kanyang kuwarto ay umiiyak siya kapag naiisip ang sakit ng mommy niya.

“Kasi siyempre alam naman namin na unsure pa rin kami kung gagaling nga siya, kung ano ang posibleng mangyari.

“Pero naniniwala po ako na gagaling siya.

“Kailangan niya talagang gumaling.

“Pray lang ng pray,” sinabi pa ni Pauline.

“Wala na po siyang ano, tinanggal na po yung isa.”

Sumailalim na sa mastectomy ang mommy ni Pauline at inalis na ang dibdib nito na may kanser para huwag kumalat.

Ikinalungkot ni Pauline ang pagkamatay ng ina ni Marlo Mortel nitong nakaraang linggo sa sakit na kanser.

“Kasi po parehas kami na may sakit ang mommy namin.”

Hindi pa niya nami-meet si Marlo pero nabigyan na ni Marlo ng charm bracelet ang ina ni Pauline dahil pareho ngang may kanser ang mga ina nila.

Negosyo ni Marlo ang Ornstal charm bracelets.

Rated R
ni Rommel Gonzales


Pauline, Walang kinikilingan kina Bianca at Kylie
Pauline, Walang kinikilingan kina Bianca at Kylie
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …