Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Koreano itinumba sa motel sa Cebu

MABOLO, Cebu – Patay ang isang Korean nation­al makaraan barilin sa labas ng inuupahan ni­yang silid sa isang motel sa lungsod na ito, noong Linggo ng gabi.

Binaril ng hindi kila­lang suspek ang nego­syanteng si Young Ho Lee sa pasilyo habang may tatlo pang suspek na nagsilbing lookout, ayon kay Mabolo police deputy chief, S/Insp. Jane Lito Marquez.

Wala nang buhay ang biktima nang abutan ng mga awtoridad.

“Hindi pa natin ma-establish talaga ang mga suspek kasi paiba-iba ang pahayag ng mga wit­ness… Iimbestigahan pa natin, ano ba talaga ang anggulo nito,” ani Mar­quez.

Kabilang sa mga iniimbestigahan ang mga kawani ng motel na wa­lang CCTV camera, dag­dag ng pulis.

Nakikipag-ugnayan pa aniya ang mga imbes­tigador sa Korean Consu­late para mabusisi ang background ng biktimang isang linggo nang nana­natili sa motel bago ang krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …