Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

‘Notoryus,’ 1 pa todas sa enkuwentro sa Batangas

BATANGAS – Patay ang isang lalaking sinabing sangkot sa iba’t ibang kaso, sa enkuwentro sa mga pulis sa Talisay, Batangas, noong Lunes ng hapon.

Agad binawian ng buhay sa insidente si Jeffrey Escobido nang makipagbarilan sa mga pulis sa Brgy. Caloocan pasado 4:00 ng hapon.

Binawian din ng bu­hay sa insidente ang ba­baeng kasama ng suspek.

Iniimbestigahan ng pulisya kung may kaug­nayan ang babaeng bik­tima sa mga kaso ni Escobido.

Ayon kay S/Insp. Emil Mendoza, hepe ng Talisay police, maghahain ng arrest warrant ang mga pulis laban sa suspek nang manlaban si Escobido.

“Ipina-flag down siya, then according sa operating unit is parang maghahagis ng granada, and ‘yun nagkaroon na ng putukan,” ani Mendoza.

Dagdag ni Mendoza, sangkot si Escobido sa mga kasong carnapping, murder, frustrated murder, at iba pa sa Quezon at Nueva Ecija.

Narekober sa crime scene ang mga baril na posible umanong ginamit ng suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …