Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot pinatay ng dyowa dahil sa selos at pera

READ: Lola sinakal, apo kalaboso

ARESTADO sa mga pulis ang isang lalaking suspek sa pagpatay sa kanyang kinakasama gamit ang cellphone charger dahil sa selos at pera sa Meycauayan, Bulacan.

Ayon kay Supt. Santos Mera, hepe ng Meycauayan police, tumawag sa kanila no­ong umaga ng Linggo ang suspek na si Edgar Abe dahil ‘nadatnan’ na lang daw niyang patay na ang kinakasamang si Nida Sampan.

“‘Pag gising niya, ‘yong babae nasa baba, bumagsak daw na parang nabagok,” ani Mera.

Ngunit naghinala ang mga pulis nang mapan­sing may marka ng pana­nakal sa leeg ang biktima.

Inamin ni Abe sa inte­rogasyon na pinatay niya si Sampan gamit ang dalawang cellphone char­ger. Kuwento ng suspek, dahil daw ito sa selos at pera.

Kapwa may asawa ang suspek at biktima. Ngunit ayon sa mister ng biktima, 2009 pa sila naghiwalay ni Sampan at huli niyang nakita ang biktima noong 2016.

Sinampahan ng ka­song murder si Abe dahil sa pagpatay sa biktima.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …