Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cesar, susunod na isasalang sa Blue Ribbon Committee

POOR Cesar Montano. Sa pagdinig ng umano’y maanomalyang transaksiyon ng DOT at mga Tulfo ay nakatakda imbestigahan si Cesar.

Ang action star ay ang nagbitiw bilang pinuno ng Tourism Promotions Board sa ilalim ng DOT na si Wanda Tulfo-Teo ang dating Kalihim. Rekomendado siya ni Ka Freddie Aguilar.

Sabit naman si Cesar sa Buhay Kariderya project to the tune of millions of pesos din na never namang nagsimula.

Ang humalili kay Wanda na si Bernadette Romulo-Puyat ang siyang kumuwestiyon sa nasabing proyekto. Itinuro naman ni Cesar si Wanda na boss niya.

For the record, hindi sinipa si Cesar kundi kusang nagbitiw. Sinadya niya umano si PDu30 sa Malacanang, sinabihang boluntaryong mag-resign.

Balitang “sinabon” (nakatikim ng mura?) ng Pangulo si Cesar na mangiyak-ngiyak daw na humarap sa isang galit na Pangulo.

It’s interesting to note na sala-salabat ang konek ni Cesar sa isa sa mga Tulfo brothers na si Erwin. Ang isang anak ni Buboy (palayaw ni Cesar) at anak ni Erwin ay magkabarkada.

By some twist of fate, ‘ika nga, ang mga tatay naman ay lulan ng iisang “bangka.”

Habang sinusulat namin ito’y hindi pa naisasalang si Cesar sa bubusisiing Senate probe sa ilalim ng Blue Ribbon committee.

Pero harinawa’y huwag daanin ni Cesar sa puro emote ang kanyang depensa dahil lang sa katotohanang isa siyang mahusay na aktor.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …