Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pauline Mendoza
Pauline Mendoza

Pauline Mendoza, sobrang thankful sa Kambal Karibal

READ: Carlo Aquino, proud nang unang nakita ang kanyang BeauteDerm billboard

AMINADO ang Kapuso actress na si Pauline Men­do­za na sobra siyang thankful sa katatapos lang na teleserye nilang Kambal Karibal. Itinutu­ring niya kasi itong biggest break sa showbiz.

Pahayag ni Pauline, “Masa­sabi ko pong yes, it was really a big break for me. Kasi, mas nakilala na po ako ng mga tao dahil sa Kambal Karibal.”

Sinabi rin ng aktres na sobra siyang nag-enjoy sa naturang teleserye.

“Nag-enjoy po ako nang sobra sa serye namin. Noong cast party nga po namin, lahat kami nalungkot. And lalo na ako sobrang nalungkot talaga, kasi ang tagal po namin nagsama-sama.

“Sa totoo lang, hindi ko po talaga matanggap na tapos na kami. Kasi, kahit mga fans po ng Kambal Karibal, ayaw rin mata­pos iyong serye,” esplika pa ng dalaga.

Sa ngayon, sunod-sunod ang TV guestings ni Pauline. After niyang lumabas sa Imbes­tigador, mapapanood din si Pau sa Tunay Na buhayWish Ko Lang at Maynila.

Si Pauline ay nagsimula bilang commercial model nang si­ya ay three years old pa lamang. Unang project na nagawa niya sa GMA-7 ang Little Nanay na sinundan ng That’s My Am­boyMy Love From The Star, at Alyas Robinhood-season 1. Tapos ay guestings sa Mag­pakailanman Maynila, MARS, WagasTadhana, at iba pang TV shows.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …