SIYAM na kandidato sa pagka-senador ang isasabak ng Hugpong ng Pagbabago sa 2019 midterm elections.
Tinukoy kamakalawa ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang bubuo ng senatorial slate ng HNP na sina Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, Presidential Spokesman Harry Roque, Senators Cynthia Villar, JV Ejercito at Sonny Angara, Reps. Pia Cayetano at Zajid Mangudadatu, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at Bureau of Correstions chief Ronald dela Rosa.
Kaugnay nito, batay sa resulta ng survey ng University of Mindanao´s Institute of Popular Opinion (UM-IPO) ay nakopo ni Go ang top spot sa senatorial bets sa 76% na ibinigay sa kanya ng mga Dabawenyo.
Ang Davao region ay may voting population na 4.9 milyon.
Sa naturang survey, pumangalawa si Dela Rosa at pumasok rin si Mayor Inday Sara Duterte.
Nagpasalamat si Go sa UM-IPO sa pagsagawa ng survey at kanyang ikokonsidera ang mga resulta ng survey sa ano mang desisyon na kanyang gagawin sa pagpasok sa politika pero iginiit na ang Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang makapagpapabago sa kanyang isipan.
(ROSE NOVENARIO)