Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dinner nina Juday at Ryan sa Gucci Garden, highlight ng kanilang anibersaryo

ELEGANTE, sweet, at intimate ang naging selebrasyon ng 9th anniversary nina Judy Ann Santos-Agoncillo at Ryan Agoncillo sa Italy!

Kailan lang namin napagkuwento si Juday tungkol sa bakasyon nila noong April 15-30 sa Italy, ang bakasyon ay pinagsama-samang selebrasyon ng birthday ni Ryan (April 10), 9th wedding anniversary nila (April 28), at birthday ni Judy Ann (May 11).

“’Yung anniversary nagkataon lang din na sa Gucci Garden kami nakakain.”

Ang Gucci Garden ay sikat na establishment sa Italy na kombinasyon ng Gucci shop, museum, at restaurant.

Ang Gucci (na sikat na fashion brand) ay itinatag ni Guccio Gucci sa Florence noong 1921.

“Tapos ‘yung Gucci Garden na ‘yun, ang chef doon, ang nag-create ng menu, si Massimo.”

Si Massimo Bottura ay isang sikat na Italian restaurateur at chef.

Nitong January 2018 ay binuksan ni Massimo ang Gucci Osteria da Massimo Bottura sa Gucci Garden.

Kuwento pa ni Judy Ann, ”Tapos napakahirap kumuha ng booking sa restaurants niya.

“Nagkataon na si ate Maricel (Laxa), messaged Rye, na nandoon ‘yung anak niya, si Ella, nag-aaral, na she can take us around, ganyan-ganyan.

“And noong nag-dinner kami with her, binanggit niya ‘yung Gucci Garden, tapos sabi niya, ‘Maybe I can get a table for you.’

“Tapos sabi ko, ‘Tamang-tama, it’s our anniversary.’

“Kasi wala kaming nakaplano, kumbaga hindi talaga ako nagplano ng kahit anong gagawin, kung ano na lang ‘yung trip naming ng araw na ‘yun, iyon ang gagawin namin.

“Kaya wala akong dinalang gamit or damit or something na for formal or fine dining na restaurant.

“So noong sinabi niya sa amin na, ‘I’ll try to get a table for you.’

“Tapos sinabi na niya, ‘Oh, I got you a booking, ate!’

“Ganyan-ganyan. ‘Yun na ‘yung pinaka naging highlight tapos nagkataon pa pagdating namin sa Gucci Garden… although sinabi sa amin ni Ella, ‘Ate, hindi siya garden, ha?’

“Hindi siya garden, ano siya… restaurant.

“Mayroon siyang seven-course tasting menu, puwede ka naman ding mag-ala-carte pero siyempre ang kinuha na namin, ‘yung tasting menu.

“Tapos pagdating namin doon nagkataon na ‘yung al fresco nila, kagagawa lang na maging garden, may mga flower, na kagagawa lang two days ago.

“Natiyempuhan pa namin.

“Ang ganda ng set-up, para talagang may sarili kang garden.

“’Yung totoong restaurant, nandoon sa loob.”

Ang naturang biyahe ang maituturing ng mag-asawa na isa sa best trips nila bilang mag-asawa.

Kung uulitin nina Judy Ann at Ryan ang ganoong European tour ay nais nilang kasama ang tatlong anak na sina Yohan, Lucho, at Luna.

Sa ngayon ay abala si Juday sa kanyang pagbabalik sa telebisyon bilang aktres. Kasalukuyan siyang nagte-taping para sa Starla, ang upcoming soap opera niya sa ABS-CBN.

Pinaghahandaan na rin ni Juday ang bagong season ng Judy Ann’s Kitchen.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …