Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo Aquino, proud nang unang nakita ang kanyang BeauteDerm billboard

READ: Pauline Mendoza, sobrang thankful sa Kambal Karibal

ISA si Carlo Aquino sa Beaute­Derm ambassadors na present sa ginanap na grand opening ng BeauteFinds by BeauteDerm last August 8. Ito’y matatagpuan sa Unit 307, TNA Building, #17 J. Abad Santos St., Brgy. Little Baguo, San Juan City.

Nandoon din para sa meet and greet at ribbon cutting ang BeauteDerm ambassadors na sina Ms. Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Carlo Aquino, Alma Concepcion, at Shyr Valdez. Tuwang-tuwa naman ang CEO at owner ng BeauteDerm na si Ms. Rhea Tan sa matagumpay na event. Ang BeauteFinds by BeauteDerm ay owned and managed by Kathryn Ong, na since 2011 ay distributor na ng BeauteDerm.

Inusisa namin si Carlo kung ano ang naging reaction niya nang unang nakita ang kanyang BeauteDerm billboard?

Sagot ni Carlo, “First bill­board ko ‘yun e, galing sa BeauteDerm… Nakatutuwa, ang laki ko, e. Hahaha!

Sa highway ‘yun, ‘di ba? “Oo, sa long bridge,” pakli pa niya.

Nang nakita mo ‘yung bill­board mo, ano ang naging reaction mo?

Mabilis na sagot niya, “Vini­deo ko, vinideo ko. ‘Tsaka nag­pa-picture ako, naka-motor ako no’n e. Sabi ko noon sa kaibi­gan ko, ‘Baba tayo, habang naka-motor. Kasi mayroon kaming bluetooth eh, kaya nakapag-uusap kami.

“Sabi ko pa, ‘Sige na, ka­ila­ngan kong magpa-picture. Ta­pos, pinost ko ‘yun e sa Insta­gram ko.”

Ano ang pinakamagandang billboard na nakita mo? “Siyem­pre ‘yung BeauteDerm, hahaha!” Nakatawang wika niya.

Samantala, nabanggit din ni Carlo ang ilang detalye ng pelikula nilang Exes Baggage ni Angelica Panganiban.  Ang takbo raw ng story ng kanilang pelikula ay ukol relationship, kung ano ang mga napagda­raanan ng isang couple sa isang relationship at kung paano iniha-handle.

Ano reaction niya na marami pa rin ang kinikilig sa kanila ni Angelica kahit ang tagal nilang hindi nagsama sa pelikula? Esplika ni Carlo, “Nagugulat ako roon sa pagtanggap ng mga tao na nandyan pa rin sila, na kinikilig pa rin sila sa amin. Siguro naka­dagdag din ‘yung parehas ka­ming single, wala kaming idine-date.”

Aminado rin si Carlo na mas naging close sila ngayon ni Angelica at mas madalas din daw silang mag-text ng kanyang ex-girlfriend.

Gaano ba ka-espesyal si Angelica para kay Carlo? “Kasi part siya ng past ko and present ko. Na ang dami niyang alam tungkol sa akin at ang dami kong alam tungkol sa kanya. Sa lahat ng kaibigan kong babae iba ‘yung level ng pagmamahal at pag-care ko sa kanya,” wika ng Kapamilya actor.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …