READ: Direk Jun, ayaw sa mga unprofessional at late
KUNG isang babaeng allergic sa wifi ang ginampanan ni Sue Ramirez sa pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi, iba naman sa personal na buhay at ito ang mga taong sinungaling.
“Mahirap kausap ang mga ‘yan. Siguro, I can just pray for them na they find truth everything that they say. Sana po sa lahat ng gagawin nila, pag-isipan nila ng mabuti bago nila sabihin o gawin kasi ang sinungaling parang manloloko na rin ang mga ‘yan,” pahayag nito.
Allergic din siya sa bashers dahil hinusgahan siyang tomboy nang nagpagupit ng maiksi. ”Actually, matagal ko nang gustong magpagupit ng maigsi pero ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon dahil noon, may mga continuity ng mga teleserye kaya hindi puwede. Mahilig talaga ako magbago ng look eh. Nai-excite po ako sa life kapag iba po ang hitsura ko, mahilig ako mag-eksperimento sa sarili ko.”
Tulad din nang mag-swimming siya at nagsuot ng two-piece, agad siyang pinuktakti ng mga basher at tinawag na malandi. And speaking of allergies, inamin nitong wala siyang allergy physically kahit sa pagkain ng hipon. “Siguro, allegic lang ako sa bashers. Allergic din ako sa sinungaling.”
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu