Thursday , June 30 2022

Arjo, one woman man

AYAW ng ArSue fans ang bagong love interest ni Sue Ramirez na si Marco Gumabao sa seryeng Hanggang Saan dahil pangalan pa rin ni Paco (Arjo Atayde) ang isinisigaw nila.

Base sa napapanood naming episodes ng Hanggang Saan, okay umarte si Marco bilang bagong boyfriend ni Sue na hindi namin nakikitaan ng pagka-seloso kapag nakikita niyang magkasama sina Anna at Paco (Arjo) o baka kasi nasa loob lang ang kulo nito.

Mapagpasensiyang boyfriend ang karakter ni Marco kay Sue dahil maski na tinawag siyang Paco (Arjo) ng dalaga ay tumahimik lang siya pero halatang sumama ang loob kaya kaagad siyang hinalikan ng dalaga at humingi ng dispensa.

Kaso, hanggang kailan magpapasensiya si Archie (Marco) dahil laging magkikita’t magkakasama na sina Anna (Sue) at Paco (Arjo) dahil may nalaman silang sikreto mula kay Yaya Letty (Ces Quesada) tungkol kay Jacob (Ariel Rivera) na tiyak na muling magkakalapit ang dalawa.

Hanggang saan naman kayang pigilan nina Anna (Sue) at Paco (Arjo) ang kanilang nararamdaman?

Anyway, gusto lang naming i-share sa lahat na ang karakter ni Arjo sa Hanggang Saan ay parang sa totoong buhay lalo na sa buhay pag-ibig  dahil one-woman-man siya as in. Kaya masuwerte ang babaeng mamahalin ng aktor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Isabel Santos

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si …

Isko Moreno Joaquin Domagoso

Yorme Isko lolo na 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG sagot sa text namin si Daddie Wowie Roxas, manager ni Kapuso actor Joaquin …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

MATINEE IDOL MADALAS SA PRIVATE PARTY
Tsismis na bading posible 

ni Ed de Leon KUNG hindi iiwasan ng baguhang matinee idol ang pagsama-sama niya sa kanyang mga …

Joaquin Domagoso Raffa Castro

Career ni JD apektado ngayong tatay na

HATAWANni Ed de Leon MAAAPEKTUHAN daw kaya ang career ni Joaquin Domagoso ngayong tatay na siya? Hindi …

Dennis Padilla Leon Barretto Julia Barretto

Dennis may mali sa paghingi ng sorry sa anak na si Leon 

HATAWANni Ed de Leon EWAN pero sa tingin namin talagang isang kakatuwang sitwasyon iyon nang …

Leave a Reply