Tuesday , November 5 2024

Sen. Antonio Trillanes, ginisa ang Tulfo siblings sa Senado

READ: Sinuob ng papuri ni Cherry Pie Picache si Erich Gonzales!

NAGANAP sa Senado last August 14, ang imbestigasyon sa anomalyang umano’y naganap sa Department of Tourism (DOT) noong si Wanda Tulfo-Teo pa ang kalihim.

Teo attended, side by side with his broadcast journalists brothers Erwin and Ben Tulfo, who are being accused of receiving P60 million from DOT in payment supposedly for the ad placement on their television show at the government-owned network PTV4.

Binanatan ni Senator Antonio Trillanes IV ang Tulfo siblings at personal na inatake si Ben, na host ng Bitag, na nag-attempt na sumagot but to no avail. Sang-ayon kay Trillanes, puwede raw sampahan ng plunder case ang Tulfo siblings dahil sa anomalyang kanilang kinasasangkutan.

“Kung ako sa inyo, mag-iba na kayo ng legal defense kasi alam niyo po, sa buong Filipinas na nanonood sa inyo, e, hindi paniniwalaan na hindi mo alam na napunta iyan sa kapatid mo,” was Trillanes’ straightforward commentary on Teo.

“Pupunta tayo rito kay Mr. Ben Tulfo, magkano ang total na na-receive mo?

“Ito na, panay ang iwas na, pero roon sa radio program, e, ke tatapang.

“Pero ngayon, nabibilaukan, ‘yung katotoha­nan, ang hirap lumabas ano Mr. Ben Tulfo?

“Anyway, ganito iyan, alam niyo rito as described, swak na swak.

“Kumbaga, pasok na pasok ka, Bitag, rito sa bitag, ‘di ba Mr. Tulfo?” was Senator Trillanes’ somewhat antagonistic commentary on Ben Tulfo.

Apart from Ben, Trillanes has also said some vituperative statements on Erwin.

“Ngayon, pupunta tayo kay Mr. Erwin Tulfo, kanina kasi ‘yung paghuhugas ng kamay, e, maliwanag, parang hindi kasangkot dito.

“Pero kapatid ka ni Secretary Teo at hindi ka ordinaryong empleyado ng Bitag. Magkapatid kayo.

“So, napakinggan ninyo ang definition ko kanina (tungkol sa plunder), so pasok na pasok sa bitag,” Trillanes said in obvious reference to Erwin.

“Una ho sa lahat,” Erwin said in earnest, “‘yung isyu, kanina ko pa naririnig, ipinipilit mo na may plunder.

“Patunayan mo muna na may plunder, Bossing, okey?

“Ngayon, it’s not for you to decide, it’s the court to decide sir, alright.”

Natigil lang ang banatan ng dalawa when Senator Richard Gordon said na ganoon raw talaga ang style ng pagtatanong ni Trillanes.

Pinaalalahanan din niya ang kapwa senador na, “Nothing has been concluded here.”

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *