Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alice, nalungkot sa photoshop wedding picture ng DongYan

READ: Alice, one year resident na ng Bora

SADYANG inabangan ng ilang entertainment media si Alice Dixson pagkatapos ng mediacon ng Ngayon at Kailanman na unang teleserye nina Joshua Garcia at Julia Barretto na mapapanood na sa Lunes, Agosto 20 dahil sa isyung ginamit ang wedding picture nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na pinalitan ng mukha nila ni Edu Manzano na ipinakita sa episode ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Agosto 8.

Base sa kuwento ng PEP writer na si Rachel Siason kay Alice, nag-react na si Dingdong sa ginawang ito ng production staff ng aksiyon serye ni Coco Martin.

Nabasa rin namin ang panayam ni Dingdong sa PEP na ikalawang pagkakataon na ito at ang nauna ay ang episode noong Nobyembre 9, 2017 na may ipinakitang larawan sina Joko Diaz at Mickey Ferriols na may hawak na isang baby. Ang nasabing litrato ay kuha naman sa binyag ng anak nina Dong at Yan na si Letizia.

Ayon kay Alice, ”hindi ko alam na picture nila iyon pero alam kong photoshop ‘yun ng face namin ni Edu sa isang picture ng mag-asawa na ikinasal, but I don’t know anything about kung sino ‘yung pinalitan naming mukha. I hope there was no problem.”

Binanggit ng taga-Pep na sumulat si Ding­dong sa production team ng programa ni Coco dahil walang permisong ginamit ang mga nabanggit na litrato.

“Kahit naman ako masa-sad din ako, pero ako personally I didn’t know that it was their photo. There was no trace of their face or anything personal in their photograph aside siguro ‘yung damit nila. 

“Hu­mihi­ngi po ako ng pau­man­hin kay Dong if our pro­du­c­tion made a mis­take like that. Kahit na­man ako if it’s my wedding photo ayokong gamitin ng ibang tao, so if there’s another photo na magagamit ‘yun, I’ll make sure na they do something about it. Thank you na nakarating sa akin,” nalungkot na paliwanag ni Alice.

Base sa nakasulat sa PEP ay nag-post ang aktor sa kanyang FB account ng, ”Courtesy and fair practice must always be observed especially in an established industry like ours. But whether or not it is done within the entertainment sector, we should always be reminded of the basic etiquette for online photo use and sharing that includes asking permission and/or citing sources. I do hope that this won’t happen again to anyone.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …